Wala ba talagang solusyon ang trafik sa Metro Manila
Jerry Yap
August 16, 2015
Bulabugin
HINDI naman tayo first world country pero nakagugulat ang tindi ng trafik jam dito sa ating bansa.
Kahit saan ka magpunta, magkabilang lane o kahit six lanes pa ang mga kalsadang ‘yan, bumper to bumper pa rin ang trafik.
Sabi nga ng mga negosyante, hindi lang milyon kundi bilyones ang nawawala sa ekonomiya ng ating bansa dahil sa trafik jam.
‘Yan hindi masolusyonan na trafik jam, ang nagtatanggal sa posibilidad na maaaring manalo sa eleksiyon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, kung totoo ang balita na gutso niyang maging senador.
Alam nating maraming salik o factor kung bakit grabe ang trafik sa Metro Manila, pero meron namang tinatawag na plan a, plan b, plan c at hanggang maubos ang letra sa alpabeto para lamang masolusyonan ang trafik.
Hindi ba alam ni Chairman Francis T., kung ano-ano ang mga kalye o kalsadang kinukumpuni?
Kung nasaan ang project ng Maynilad o ng Manila Water?!
O baka naman hindi niya alam na ginagawa ngayon ang Skyway na magdurugtong sa South at North Expressways (SLEX & NLEX)?!
‘E kasi naman, parang hindi alam ni Chairman Francis kung paano gagawa ng alternative route para sa mga apektadong lugar para naman gumaan-gaan ang pakiramdam ng commuters at mga motorist.
Ilang taon na bang pinamumunuan ni Chairman Francis ang MMDA, bakit parang hanggang ngayon ‘e parang hindi pa niya nasosolusyonan ang mga batayang problema sa trapiko ng Metro Manila?!
Tsk tsk tsk…
Hanggang ngayon sinisisi pa rin ang trafik sa EDSA pero ang daming alternatibong ruta na pwedeng gamitin.
Ang daming secondary roads na pwedeng gamitin ng mga motorista pero hinahayaan lang nakatengga.
Kailangna pa ba ang kagaya ni architect Jun Palafox para magkaroon ng “bright ideas” si Chairman Francis sa pagsasaayos ng trafik sa Metro Manila?!
Chairman, malapit nang matapos ang termino ninyo, pwede bang gumawa ka naman ng nagmamarkang mga proyekto?!
Huwag namang puro papogi lang.
Ano sa palagay mo Chairman Tolentino?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com