Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wendell, Kapamilya na!

080715 wendell ramos


00 SHOWBIZ ms mTUWANG-TUWA si Wendell Ramos at halos hindi makapaniwala na binigyan siya ng ABS-CBN2 ng sariling presscon bilang hudyat ng pagpasok niya sa hit primetime serye ng na Pasion De Amor.

Ani Wendell, tinanong pa raw niya ang kanyang ina kung totoo nga raw bang may sarili siyang presscon.

Bale bibigyang buhay ni Wendell ang panibagong karakter na lalong magpapainit sa mga tagpo sa Pasion de Amor. Siya si Gabriel, anak ni Gabriela (Teresa Loyzaga) sa ibang lalaki at lalabas na kuya sa magkakapatid na Norma (Arci Munoz), Sari (Ellen Adarna), at Jamie (Coleen Garcia).

Nananatiling misteryoso ang kanyang pagkatao sa mga manonood at hindi pa lubusang matanto kung siya ba ay kakampi o kaaway.

Bago nakompirmang anak nga ni Gabriela si Gabriel, nagsagawa muna ng DNA test at saka nabigyan ito ng maayos na tahanan. Sa paglabas ni Gabriel, matanggap kaya siya ng tatlong kapatid bilang kuya? Ano ang talagang pakay ni Gabriel at inilantad niya ang kanyang pagkatao sa mga Elizondo?

Samantala, ang Pasion De Amor ang kauna-unahang Kapamilya serye ni Wendel matapos siyang unang lumabas sa hit legal drama na Ipaglaban Mo. Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng actor na malaki ang pagpapahalagang ibinigay sa kanya ng Kapamilya Network.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …