Monday , December 23 2024

16 na Fil-Am pasok sa PBA draft

061915 PBA rookie draftINAASAHANG magiging makulay ang nalalapit na PBA Rookie Draft sa Agosto 23 sa Robinson’s Place Manila dahil sa pagdating ng 16 na Fil-foreign na manlalaro.

Inaasahang magiging top pick sa draft ang 6-7 na Fil-Tongan na si Moala Tautuaa ng Malaysia Dragons ng ASEAN Basketball League na inaasahang kukunin ng Talk n Text bilang top overall pick.

Bukod kay Tautuaa, ang iba pang mga Fil-foreigner na siguradong mapipili sa unang round ng draft ay sina Maverick Ahanmisi ng Café France, Norbert Torres ng La Salle at Chris Newsome ng Ateneo.

Sinabi ng team owner ng Blackwater Sports na si Dioceldo Sy na pakay ng Elite na kunin si Ahanmisi na nagdala sa Bakers sa korona ng PBA D League Foundation Cup noong Hunyo.

Sa ikalawang round ay inaasahang makukuha sina Ryan Wetherell ng University of Southern California, Mike DiGregorio ng McKendree University, Kris Rosales ng Hope International,  Jerramy King ng AMA University, Simon Enciso ng Notre Dame de Namur University, Jawhar Purdy ng California State Stanislaus, Abel Galliguez at Alex Austria ng Cagayan Rising Suns.

Sa mga homegrown na Pinoy, nagpalista na sa draft sina Troy Rosario at Glenn Khobuntin ng National University, Garvo Lanete ng San Beda, Almond Vosotros ng La Salle, Jonathan Grey ng St. Benilde, Josan Nimes ng Mapua at Bradwyn Guinto ng San Sebastian.

Si Rosario ay inaasahang magiging ikalawang pick ng draft at hawak ito ng Mahindra Enforcers (dating Kia Carnival).

Samantala, plano ng bagong head coach ng Barangay Ginebra San Miguel na si Tim Cone na pakawalan ang ilang mga manlalaro ng Kings bilang bahagi ng kanyang paglilinis sa lineup nila para sa bagong PBA season.

Ilan sa mga inaasahang itatapon ni Cone ay sina Josh Urbiztondo at Dorian Pena. (James Ty III)

About James Ty III

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *