Monday , December 23 2024

DSWD burial assistance tinatiyani pabor sa eksklusibong punerarya!?

00 Bulabugin jerry yap jsyDAHIL sa pagpabor sa iilan, hindi na tumatanggap ng “Guarantee Letter” mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ilang mga punerarya sa Metro Manila sa dahilang wala raw pondo lalo na ‘yung mga ipinagkakaloob sa mga kapos-palad nating mga kababayan.

Ito po ang nais ipaabot ng ilang may-ari ng punerarya sa DSWD.

Take note, sikwatary ‘este Secretary Dinky Soliman

Kung nabayaran man umano ang ilang punerarya, inabot muna nang siyam-siyam bago sila nakasingil.

Matindi na po ang reklamong ‘yan ng ilang may-ari ng punerarya sa Metro Manila.

Kung nakukunsumi ang mga may-ari ng punerarya, nagtataka naman ang ilang mambabatas kung bakit natatagalang magbayad ang DSWD sa mga puneraryang nagbibigay ng serbisyo sa pagbuburol at pagpapalibing sa kanilang constituents gayong ang laki ng nakalaang pondo para rito.

Hindi rin malinaw kung bakit o anong nangyayari sa pondong pambayad sa mga punerarya!

Kung panay ang reklamo ng ibang punerarya, mayroon naman daw isang punerarya na hindi kumikibo.

Sa pagtatanong-tanong ng BULABUGIN sa hanay ng ilang taong konektado sa industriyang  ito, nabatid  natin na may hinala ang ilang may-ari ng punerarya na mayroong isang punerarya na pinapaboran umano ng DSWD.

Take note uli, DSWD sikwatary ‘este’ Secretary Dinky Soliman!

Gaya na lang ng karanasan na naikuwento sa atin. Itinuro umano sila sa KADAMAY. (Hindi klaro kung ano itong KADAMAY, organisasyon ba ito o punerarya?)

Kung idadaan ang request sa KADAMAY para sa funeral services assistance aba’y matulin pa umano sa alas-kuwatro ang pagbibigay ng serbisyo.

‘Yun daw kasi ang awtorisado ng DSWD.

Aba, linawin na agad ‘yan!

‘E kung ang KADAMAY ang kinikilala ng mga punerarya, ano pa ang silbi ng DSWD?!

Ang tanong nga ‘e, magkano ba ang naka-earmark para sa pagpapalibing na nakalagak sa DSWD? Ito ba ay nagamit na ng mga Congressman?

Kung hindi man nagamit ‘e saan napunta?

Sec. Soliman, may exclusive punerarya na ba ang DSWD!?

Pakisagot na nga po, Secretary Dinky!

Ano na ba ang ginagawa ng DPWH-NCR?

NAGTATAKA tayo kung bakit parang bulag ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Metro Manila.

‘Yun bang tipong, inihudyat lang na eleksiyon na, biglang parang nag-change mood.

Gaya na lang nitong kalsada mula riyan sa Macapagal Blvd., EDSA patungong Coastal aba ‘e kung hindi tayo nagkakamali, anim na buwan na pero hindi pa rin naaayos ang kalsadang ‘yan na parang sungkaan na!

Bakeeet?!

Kung hindi po kayo pamilyar ‘yan po ‘yung papuntang Old MIA Road.

Nagtataka po tayo kung bakit tila natengga na ang patsi-patsi na kalsada na ginastusan nang milyon-milyon mula taxpayers’ money.

Grabe na po ang perhuwisyo niyan sa mga traveler lalo na sa commuters na pumapasok sa eskuwela o sa kanilang trabaho sa sama ng kalsadang ‘yan.

Kailan mo ba balak dumaan diyan DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson?

Sino ba ang dapat na may pananagutan diyan?

Ano ba ang ginagawa ni South Manila District Engineering Office chief, DI MIKUNUG MACUD?!

Pakitulak ‘este paki-push mo naman si Engr. Macud, Secretary Singson para maayos na ang lubak-lubak na kalsadang ‘yan!!!

Ano basehan ng awarding sa MPD?

KA JERRY, nag-email po ako sa inyo para matanong ang aming district director kung ano ba criteria o basehan sa pagbibigay ng award sa mga kasamahan kong pulis. Tunay bang deserving ang mga naging awardee? ‘Yung isang awardee, pakuya-kuyakoy lang sa kanyang opisina, nabigyan pa ng award. At balita pang may alagang mga osdo. Nakade-demoralize sa mga pulis na talagang nagtatrabaho nang maayos sa aming distrito. [email protected]

Ano ang balak ni Mayor Dondi sa lugar na nasunogan!?

KA JERYY, may 50 bahay ang nasunog sa likod ng palengke ng Tayabas City. May usap-usapan na may balak na project na naman si Mayor Dondi  sa lupa bec. Gov’t property ito. Tsk tsk. Lugmok na ang mga Tayabasin sa kahirapan. Ombudsman at Sandiganbayan  pakibilisan naman po ang pag-aksiyon sa  mga suspension. Bago pa ho magkaron ulit ng sunog at ‘wag naman sanang may masu-gatan o mamatay. – Concerned Tayabasin. +63916448 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *