Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia Barretto, walang dating kay Kevin Poblacion

080115 Julia Barretto kevin poblacion
POBLARIAN! Mula  sa apelyido niyang Poblacion, kinuha ang Poblarian na gamit ng baguhang si Kevin Poblacion sa kanyang Instagram account!

Eh, sino naman daw ba si Kevin?

Ang manager ng Superstar na si Nora Aunor na si Boy Palma ang nakakita sa potensiyal ni Kevin kung kaya ipinaalam ito sa mga magulang ng 19 years old na si Kevin para subukin ang showbiz.

Sa Bernaby in Vancouver, Canada lumaki at nagka-isip si Kevin. At nagtapos na siya ng kursong Tourism sa nasabing bansa. At nagtrabaho rin siya  bilang cashier sa pamosong A&W Fastfood joint sa nasabing bansa.

Kaya nang makausap ng mga kaibigang nasa ‘Pinas ang kanyang parents at tanungin si Kevin if he’s interested, Kevin and his family flew here. At agad na siyang isinalang sa workshop under direk Rahyan Carlos.

Hindi pa matatas mag-Tagalog ang may dugong Ilonggong si Kevin pero Tagalog na ang sinisikap niyang gamiting lengguwahe. Kaya natuwa ang press nang makausap at makilala ito.

Dahil sanay sa pagiging straightforward ang binata, isag tanong, isang sagot siya.

Tsinita ang tipo niyang babae kaya paborito niya si Kim Chiu. Ipina-rate sa kanya ang iba pang artista. Walang dating sa kanya si Julia Baretto dahil nasa scale of 5 ito. Ang pumapantay kay Kim sa 9 score ay si Liza Soberano.

Sa pagpupursige sa kanyang workshops. Target ni Kevin at ng kanyang manager na ma-penetrate ang soaps at palabas sa TV pati na sa commercials.

Shocked ang mga kaharap ni Kevin nang agad na sagutin nito ang tanong if he’s still a virgin. At 15 daw nawala na ito sa kaibigan niyang babae na isang Canadian Chinese at ang nakarelasyon naman niya ng matagalan na umabot ng taon. Istrikto lang ang mga magulang nito kaya hindi sila nagtagal.

Now, the Poblarian wants to concentrate or focus sa mundong pinasok niya. Ngayong nakilala na niya ang Superstar nang manood siya ng Taclub sa premiere night nito, hindi malayong sa isang proyekto ni Aunor in the future ay maka-eksena na niya ito.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …