Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ama utas sa icepick ng anak

PATAY ang isang 40-anyos ama makaraan tarakan ng icepick ng sariling anak nang magkainitan makaraan ipagtanggol ng suspek ang kanyang live-in partner na nakaaway ng biktima sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si Resty Rafael, heavy equipment operator, residente sa 2023 Apolonia St., Brgy. Mapulang Lupa ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng saksak sa noo.

Habang pinaghahanap ang suspek na si Richard Rafael, 22, anak ng biktima, mabilis na tumakas kasama ang live-in partner, nakatakdang kasuhan ng parricide.

Batay sa ulat nina SPO3 Armando Delima at PO3 Ronaldo Subosa, dakong 1 p.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng isang Richard Arzala na kaanak ng mag-ama.

Napag-alaman, nagtalo ang mag-ama makaraan mag-away ang biktima at ang kinakasama ng suspek na humantong sa batuhan ng bote.

Nang makorner ang biktima ay agad siyang sinaksak sa noo ng anak gamit ang icepick na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung ano ang pinagtalunan ng biktima at live-in partner ng anak na nagresulta sa insidente.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …