JIMBOY SALAZAR is dead. Mula sa mensahe sa Facebook Page ng Startalk, ang nagpakilalang si Hero Santos ang nagbalita noong Biyernes na namaalam na ang dating singer-actor ng araw ding ‘yon.
Sinaliksik ng Startalk ang mensahe mula mismo sa ina ni Jimboy na si Gng. Delia Sta. Maria, the latter confirmed her son is gone.
Dakong 10:00 umaga nang dalawin ni Aling Delia ang anak who was rushed to the ER of a hospital in San Miguel, Bulacan. Sa naturang bayan naninirahan ang kanyang ina whom Jimboy requested na sunduin siya sa Arayat, Pampanga para maalagaan.
Hirap sa paghinga ang idinaing ni Jimboy, pero hindi nagtagal buhat nang dumating sa pagamutan ang ina’y binawian na rin ng buhay.
Supposedly, hindi ang pagpanaw ni Jimboy ang kasado na sanang kuwento ng Startalk noong July 25 episode. The actual Jimboy interview story was supposed to reveal kung ano nga ba talaga ang uri ng karamdamang dumapo sa kanya that led to his dramatic loss of weight.
Huwebes ng hapon—less than 24 hours bago siya nalagutan ng hininga—sinadya ng Startalk si Jimboy sa mismong bahay ni Aling Delia sa San Miguel.
Kung napanood n’yo ang Startalk, ang noo’y payat nang si Jimboy (sa July 11 episode ng Startalk) ay lalo pang namayat. Hirap din siyang makatayo dahil ayon sa kanya, parang tinutusok siya sa isang bahagi ng katawan.
Resorting to herbal medicine ang ginawa ni Jimboy na naniniwala sa healing power ng albularyo. Ayon mismo sa sumuri sa kanya, “kinulam” daw si Jimboy ng taong naiinggit sa kanya.
Pero kung si Aling Delia ang tatanungin, kakapusan sa pera ang dahilan kung bakit hindi niya madala at maipagamot ang anak sa isang pribadong ospital.
Ani Aling Delia, “Wala kaming pera. Naubos ang lahat ng naipon ni Jimboy. Noong maospital siya, gumastos siya ng beinte mil. Nasundan pa uli ‘yon ng pagpapa-ospital niya, beinte kuwatro mil naman ang gastos.”
Halatang kahit nasa higaan ng karamdaman si Jimboy, he kept his faith na siya’y gagaling. At kapag umayos na raw ang kanyang kalagayan ay babalik siyang muli sa pagtatanghal upang matustusan ang baldado niyang ama at may sakit ding si Aling Delia.
Biyernes, araw ng pagkamatay ni Jimboy, ay malungkot na ibinalita ‘yon ni Kuya Germs sa kanyang DZBB radio program. Jimboy was part of Kuya Germs’ That’s Entertainment.
Iyak naman daw nang iyak si Mahal nang malamang pumanaw na ang dating ka-loveteam.
Sa iyo, Jimboy, isang mapayapan paglalakbay.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III