Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gravity band, the pop-alternative fusion band!

 

072315 gravity band

00 SHOWBIZ ms mMATAGUMPAY ang ginawang album launching ng grupong Gravity, na binubuo ng mga kabataang produkto ng The Voice Kids Philippines.

Sila ang mga kabataang pop-alternative fusion band na binuo ni RJ Tabudlo at kinontrata ng Ivory Music & Video. Ang Gravity ay binubuo nina Zack Tabudlo, Eufritz Santso, Rommel Bautista, Julienne Echavez, at Grace Alade.

Ang kanilang carrier single na Imposible na inirelease noong Marso ay kasalukuyang umaani ng magandang rebyu at napakikinggan sa airwaves sa mga radio at music channels.

Sa totoo lang mabilis na nakakuha ng following ang grupo kaya naman nang i-release ang kanilang album noong Abril pumatok agad ito. Hit na hit ang mga kabataang ito kaya sikat na sikat na rin sila sa Youtube. Katunayan tinawag na Team Gravity ang grupo ng mga kabataang umiidolo sa kanila

Kasama sa album ang fresh at youthful cover ng OneRepublics’ Counting Stars at ang awitin ni Michael Jackson na Man In The Mirror. Ang kahanga-hanga pa sa grupo ay sila mismo ang nag-arrange ng ilang mga awiting nakapaloob sa album. Patunay na hindi lang sila magaling kumanta, magaling din silang mag-compose at maglapat ng melody.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …