Monday , December 23 2024

Duterte tuloy ang laban vs kandidatura ni Madam Leila

MUKHANG itutuloy talaga ni Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang krusada laban sa ipokrita ‘este sa pangarap ni Justice Secretary Leila De Lima na maging senadora.

Ito ay matapos magdeklara ang isang grupo, na tinawag ang kanilang sarili na “#Lima2016” na boluntaryo nilang sinusuportahan ang planong pagtakbo ng Justice Secretary para sa senado.

Pero iba ang panlasa ni Duterte sa planong ‘yan ni De Lima na sinabing mapapabilang sa senatorial line-up ng administrasyon (Liberal party).

Naghahamon ang deklarasyon ni Digong Duterte. Kapag kumandidatong senadora si De Lima sa tiket ng administrasyon, ikakampanya niya ang kalaban ni De Lima.

At baka ‘yan din daw ang maging dahilan ng pagkakasira nila ng kaibigang si  SILG Mar Roxas… kapag pinili ng Liberal Party na isama si De Lima sa kanilang line up.

Paano ‘yan kung si Secretary Mar na nga ang opisyal na standard bearer ng Liberal para sa presidential election sa 2016?!

Hindi kasi malimutan ni Mayor Duterte nang idiin siya ni De Lima at itinurong dapat siyang managot sa extrajudicial killkings na inako ng Davao Death Squad (DDS).

Mukhang hindi matatapos sa eleksiyon ang labanan nina  Madam Leila at Mayor Duterte.

Tiyak na isa ito sa maiinit at papanooring pangyayari ngayong 2016 elections…

Aabangan namin ‘yan!  

Huwag salingin si VP Jojo Binay (Kung ayaw ma-libel)

MUKHANG kumakasa at nagpapakita ng ‘singasing’ ng isang tunay na dugong ‘batang’ si Vice President Jejomar Binay.

Kamakalawa, pormal na hinainan ng P200-milyones damage suit ni Jojo B., ang mga tinawag niyang ‘attack dogs’ na kinabibilangan ng dalawang Senador, ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, ng pahayagang Inquirer at siyam (9) na iba pa.

Ang mga inasunto ay sina Sen. Antonio Trillanes IV,  Sen. Alan Peter Cayetano,  Caloocan Rep. Edgar Erice, Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amado Tetangco, Security and Exchange Commission (SEC) Chairman Teresita Herbosa,  Presidential Management Staff Chief Julia Abad, Insurance Commissioner Emmaniel Dooc.

Kasama rin sa inasunto ang dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado, Marie Hechanova, Renato Bondal at Nicolas Enciso.

Isinampa ang reklamo sa Makati court sa pamamagitan ng abogado ng bise presidente na si Atty. Claro Certeza. 

Ang asunto umano ay may kinalaman sa paninira ‘kuno’  laban sa pamilya Binay.

Ganyan pala sa Makati.

Hindi puwedeng punahin o kuwestiyonin ang mga iregularidad kahit may hawak na importanteng ebidensiya dahil tiyak na asunto ang kakaharapin ng nagsalita ukol d’yan.

Gusto ko na tuloy maniwala sa isang taga-makati na nakausap natin, na si Naybi ay ‘benggador’ daw talaga!?

SONABAGAN!!!

Akala natin ‘e may demokrasya sa Makati City?

Depende pala, kung sino ang nagsasalita?!

Ang mga netizens na tumutuligsa sa pamilya Binay, kakasuhan rin kaya nila ng libelo!?

Hay Binay…        

Immigration-Kalibo malupit sa kapwa Pinoy?!

Mukhang hindi na matapos-tapos ang mga sunud-sunod na bulilyaso ng mga nasa Bureau of Immigration – Kalibo International Airport (BI-KIA) .

Ayon sa isang local media  na kaibigan natin sa Aklan, isang Singapore bound Pinay ang nagreklamo na pupunta sana sa nasabing bansa upang mamasyal ang nakaranas ng pagmamalupit sa kamay ng ilang Immigration .

Matapos daw i-refer sa duty Immigration Officer-Travel Control Enforcement Unit (IO-TCEU) ay nag-umpisa nang hanapan ng kung anong-anong dokumento na magpapatunay na may capacity to travel ang pasahero.

Nang tanungin daw kung nasaan ang nag-sponsor, sinabi na nasa Singapore, agad daw ini-require ang pasahero na pauwiin sa bansa (Philippines) ang nasabing sponsor.

What the fact!?

 Para palang RTC-Judge ‘yung duty TCEU!?

Para lang nagsa-subpoena ng tao.

Hindi raw makapaniwala sa hininging requirement ng TCEU ang pasahero at dahil sa kagustuhan talaga na makapamasyal nga sa Singapore ay pinauwi sa Filipinas ang kanyang sponsor.

Matapos naman dumating sa Pinas ang Sponsor ng Pinay ay laking gulat nito nang hindi pa rin pinayagan ng ogag na TCEU na makaalis siya papuntang Singapore kaya laking galit ng sponsor dahil masayang ang kanyang pagod at gastos.

Hinanap at pinalutang n’yo ‘yung sponsor tapos i-o-offload n’yo rin pala! Tama ba ‘yun?!

Sonabagan!

Anak ng tungaw kayo diyan sa Immigration Kalibo airport!

Ano bang akala ninyo sa mga kapwa-Pinoy na pinagti-tripan at pinaglalaruan ninyo?

Mga walang pakiramdam? Mga taong hindi nasasaktan?! 

Hindi na ako magtataka kung isa sa inyo ang mapahamak sa mga susunod na araw dahil sa mga pinaggagagawa ninyong pagmamalupit sa pasahero!

Nasaan ba ang konsensiya ninyo?

Sabagay hindi na nakapagtataka ito, dahil mismong naglagay sa inyo riyan sa mga pwesto ninyo, gaya rin ninyo na baluktot ang utak?!

Immigration Kalibo Head Madam Hilot ‘este’ Lilot Acuña, mukhang nawawala na sa direksyon ang BI Kalibo Airport mula nang na-invade ng mga utak talangkang TCEU ninyo?

Sabi nila maging mga CAAP at OTS sukdol na ang suklam sa mga taga-Immigration ngayon dahil pati sila kinakalaban ninyo!?

Kung hindi kaya patakbuhin ang isang maliit na airport gaya ng Kalibo, better to turn over that job to others who are more qualified!

Tsupi!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *