Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Social media, may negatibong epekto kay Julia

A kind showbiz gave due respect—in fairness— sa pamilya Buencamino whose 15 year-old member (Julia, daughter of Noni and Shamaine) reportedly took her life.

Natagpuang nagbigti ang batang aktres sa loob ng kanyang silid.

Sa burol ng batang aktres, ang hiniling na privacy ng pamilya specially from the media ay naipagkaloob naman. The family just needed space para magdalamhati.

Hindi na rin ipinag-utos ng mag-asawa na magsagawa ng medico-legal examination. In short, no foul play was committed.

A theatre friend came to Julia’s wake nitong Miyerkoles ng hapon. Naging shoulder to cry on ito ng mag-asawa na naghinga ng kanilang mga sentimyento in between sobs.

Ayon kay Noni—justifying his daughter’s death—malaking factor daw ang social media in shaping or influencing the behaviour lalo na ng mga kabataan. Ito raw ang negatibong epekto kay Julia.

Nagkataon naman daw that Shamaine is doing a play. Ang kuwento: tungkol sa mag-ina. Hindi raw maimadyin ng kanilang theatre friend kung paanong maitatawid ng aktres ang nasabing dula.

With Julia’s demise, sari-saring espekulasyon tuloy ang lumutang. Pero hindi na mahalaga kung anong dahilan ang nagtulak sa tin-edyer para kitilin ang kanyang buhay.

The fact remains that Julia’s years ng pamamalagi sa mundo—no matter how short—ay naging makabuluhan sa pagmamahal mula sa kanyang mga magulang at tatlong kapatid.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …