Sunday , December 22 2024

Iligtas natin si Jiro Manio

jiro manioDEMONYO talaga ang illegal na droga lalo ang shabu, kahit sino at kahit nasaang antas pa ng lipunan, hindi makaliligtas kapag nadale nito.

Kahapon, nakita ng madla kung ano ang nangyari kay Jiro Manio, isa sa magagaling nating actor sa sining ng pelikula.

Nagpalaboy-laboy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3. Buti na lang at nakita siya ng ilang empleyadong Good Samaritan, na kahit kapos ang budget sa pagkain at pasahe, nagawang kupkupin si Jiro.

Hindi na lingid sa ating lahat na nalulong sa shabu ang dating batang aktor na umani ng iba’t ibang parangal sa kanyang pelikulang Magnifico.

Nagkaroon ng anak sa napakabatang edad, pero imbes na maging inspirasyon, e hindi siguro nakayanan ang responsibilidad kaya siguro napalungi at nalulong sa ilegal na droga.

Alam n’yo naman ang shabu, chemical ‘yan, pati utak ng tao ay kaya niyang sirain. 

Anyway, ang kailangan po ngayon ni Jiro, ay mga kamay na aalalay at mga kaibigan o kaanak na susuportahan siya sa panahon na kailangan niyang bumangon.

Ang inyo pong lingkod ay personal na nakikipag-ugnayan para tulungan nating maka-recover si Jiro.

Nakahanda po ang Seagulls Flight Foundation Inc., isang therapeutic treatment and rehabilitation oundation, na tumutulong sa mga biktima ng substance abuse na muling makabangon para makabalik sa mainstream society.

Isa po ang inyong lingkod sa board of trustee ng Seagulls Flight at nanunungkulang treasurer sa kasalukuyan.

Pansamantala pong kukupkupin ng Seagulls si Jiro para isailalim sa isang programa na tutulong upang siya ay maiproseso hanggang maiahon sa kinasadlakan niyang pagkakalulong.

Unti-unti po natin siyang ibabalik sa mainstream society nang sa gayon ay maging matatag na haligi siya ng mga taong kaagapay niya sa buhay.

Sa mga pamilya at mga kaibigan po ni Jiro, makipag-ugnayan lang po kayo sa aming tanggapan  para mabilis natin siyang maiproseso.

Iligtas po natin si Jiro! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *