Friday , April 18 2025

Pahiya si Chiz

EDITORIAL logoANG pangarap ni Sen. Chiz  Escudero na maging bise presidente ni Sen. Grace Poe ay mukhang hindi na mangyayari.  Mananatiling senador na lamang si Chiz at maghihintay ng pagkakataon kung kailan tatakbong presidente si Grace.

Sa ngayon, sinisiguro na ng Liberal Party (LP) na si Interior Sec. Mar Roxas ang kanilang magiging standard bearer, at malamang si Grace ang kanilang magiging bise presidente.

Hindi man aminin, halatang atat na atat si Chiz na maging running mate ni Grace.  Alam ni Chiz na kung magiging kandidato siya bilang vice president ni Grace, madali siyang mananalo dahil sa popularidad nito

Pero sa politika, isang malaking kahibangan kung ang kandidato, lalo na kung tatakbo bilang presidente o bise presidente ay walang kinaaanibang partido.  Ito ang kaso nina Grace at Chiz. Wala silang political machinery at malawak na organisasyong magdadala ng kanilang kandidatura.

Alam ni Grace ang ganitong problema. Kaya nga sa mga susunod na araw pinal na magdedesisyon si Grace kung ano ang kanyang tatakbuhin sa halalan kahit na maiwan pa si Chiz.

Si Chiz, marami pa naman pagkakataon para sa kanya. ‘Wag siyang mawawalan ng pag-asa at hanggang 2019 pa naman siyang senador.  Kung tapos na ang kanyang termino sa senado, p’wede pa naman siyang mag-artista.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *