Sunday , December 22 2024

Bentahan ng beach sa Boracay hawak ng sindikato?

boracayKANINO nga ba nanghihiram ng lakas ng loob ang isang kompanya na nagtatayo ng isang posh underwater resort sa Boracay Island sa bahagi nito na ikinakategoryang Timberland at halos katabi ng Puka Shell Beach sa Barangay Yapak pero walang Environmental Compliance Certificate (ECC)?!

Mismong si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Western Visayas director Jonathan Bulos ay umamin na hindi pa nila naiisyuhan ng ECC ang Seven Seas Boracay Hotel and Residences.

Aniya, nakabinbin ang aplikasyon ng nasabing kompanya na isinumite sa central office sa Maynila.

Nitong Hunyo 5 lang inihain ang aplikasyon para sa ECC at ipinasa pa sa Maynila pero matagal nang ginagawa ang konstruksiyon.

Ang hotel na sinabing mayroong 342-kuwarto, isang private lagoon at oceanarium ay sasakupin ang 2.2-hectare sa Barangay Yapak.

Ito ‘yung barangay na klasipikadong timberland o lupang inireserba para sa kagubatan ayon sa EMB regional office. 

Habang ang Puka Beach naman ay itinuturing na underdeveloped beach at pristine forest.

Pero kahit wala pang ECC, nagpapatuloy ang konstruksiyon ng resort dahil ang municipal  government ng Malay na may hurisdiksiyon sa 1,032 ha island ay nag-isyu ng building permit.

What the fact!?

Inisyu ng municipal government ang nasabing building permit noong Enero 15, 2014 sa Seven Seas Boracay Properties Inc. and Correos International Inc.

Ang ipinagtataka natin dito, hindi man lang kumikibo si PENR Officer IVENE D. REYES sa konstruksiyon ng nasabing resort gayong panay pa ang pa-press release na siya ay may isinusulong na National Greening Program – Mangrove Rehabilitation.

Kahit panay ang pa-press release ninyo PENR Officer Reyes kung may pinalulusot naman kayong mas malaking establisyemento na lalong sisira sa natitirang likas na yaman ng Boracay ‘e wala rin kuwenta ‘yan!

Hindi naman maliit ‘yang estrukturang itinatayo ng Seven Seas, bakit hindi ninyo masita gayong kayo mismo alam ninyong wala pang ECC ‘yan.

Sino ba talaga ang sumasalaula sa Boracay, ang PENRO o ang Malay municipal government?!

Pakisagot na nga Gov. Florencio Miraflores!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *