Sunday , December 22 2024

Residente ng Summer Pointe Subdivision walang proteksiyon sa pamunuan ng homeowners association?

summer pointe residencesAko po ay nagrereklamo sa hindi makataong pagpapaalala ng mga opisyal sa mga homeowners na hindi pa nakapagbabayad ng monthly dues sa aming subdivision (SUMMER POINTE RESIDENCES, Pasong Buaya II, Imus Cavite). Ipinaskil nila sa gate ‘yung mga pangalan ng mga homeowners. Hindi ko alam kung sino sa mga opisyal ng homeowners ang nagpaskil. Violation of human rights ang ginawa nila. Maaari naman silang magpaalala sa pamamagitan ng pagbibigay ng sulat o puntahan nila mismo sa bahay ang mga homeowners. Paano pa gaganahan magbayad ang mga tao niyan kung ipinihiya na nila sa publiko? Pati ang pag-uusap naming magkakapitbahay e pinapakialaman. Nag-uusap kami noong isang gabi sa gate nang biglang may dumating na matabang babae at tinanong kung anong pinag-uusapan namin? Kung makaasta ‘e parang pag-aari nila ang subdivision. Nai-post sa FB group page ng Summer Pointe ‘yung ginawa nila na pagpaskil ng names, maraming nag-react sa ginawa nila. Ang ginawa naman ng admin ‘e tinanggal sa group ‘yung mga sumang-ayon sa nag-post. Maliwanag na pambabastos ang ginagawa nila. Ibinoto sila ng homeowners para mapangalagaan ang isa’t isa pero anong ginawa nila. Nalalapit na ang eleksiyon sa amin kaya nananawagan kami sa ilang opisyal na huwag nang tumakbo sa susunod na election of officers.

(Name withheld upon request)

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *