Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enchong, pinangarap maging superhero

 

061915 enchong richard yap

00 SHOWBIZ ms mTILA personal ang dating ng pinakabagong weekly seryeng Wansapanataym: My Kung Fu Chinito para kay Enchong Dee kasama si Richard Yap.

Paano’y ukol ito sa pagmamahal sa pamilya at pagharap sa mga problema. Dagdag pa rito na isang superhero ang karakter na ginagampanan nila kapwa ni Ser Chief.

Magsasanib puwersa ang Kapamilya chinito heartthrobs na sina Richard at Enchong para ituro sa TV viewers ang halaga ng katapangan at pagharap sa kanilang kinatatakutan at ito’y mapapanood na sa Linggo (Hunyo 21).

“Para sa mga kabataan at buong pamilya talaga itong ‘My Kung Fu Chinito,’ hindi lang dahil nakae-entertain ‘yung kuwento nito kundi dahil na rin sa maraming Filipino values na matututuhan nila rito,” ani Richard na gaganap sa “Wansapanataym” special bilang ang superhero na si Kung Fu Chinito na nagtatago sa katauhan ng bilyonaryong businessman na si Chairman Tai.

“Matututuhan nila rito ‘yung importansya ng pagmamahal ng pamilya at ‘yung pagkakaroon ng lakas ng loob para harapin ‘yung mga bagay na inaakala nilang hindi nila kayang gawin tulad ng nangyari sa karakter kong si Diego nang nakilala niya si Kung Fu Chinito,” ani Enchong na aminadong pinangarap talaga niyang maging superhero. Kaya nga nasambit din nito n asana sa pamamagitan nitong KungFu Chinito ay makapag-iwan sila ng legacy ni Ser Chief na matatandaan ng mga kabataan at magiging bukambibig din na minsan ay may KungFu Chinito na superhero.

“Dream come true talaga itong project na ito. Sana ma-appreciate ng mga tao ‘yung kuwento,” sambit pa ni Enchong na mula sa mga kuwento nila ni Ser Chief sa presscon ay tila exciting at tiyak na matutuwa ang mga kabataang manonood nito.

Muli, nakita ko na naman ang kababaan ng loob at pagiging mabuting anak ni Enchong dahil aniya, “Gusto ko lang isang mabuting tao, mabuting anak, mabuting boyfriend. Kapag ganoon, feeling ko successful na ako,” anang binata.

Makakasama nina Richard at Enchong sa kanilang Wansapanataym special sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia, at Clarence Delgado. Ididirehe naman ito ni Erick Salud at mula sa panulat ni Mariami Tanangco Domingo.

Kaya huwag palampasin ang pakikipaglaban nina Richard at Enchong sa kasamaan sa Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito sa Linggo na sa ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio . 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …