Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark, pinaghahandaan ang pagbabalik-showbiz

061015 mark dionisio

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG pinasok na rin ni Mark Dionisio ang pagpo-prodyus. Mula sa paggawa ng mga sexy film noon at paglabas-labas sa mga serye ng ABS-CBN, ngayo’y pagpo-prodyus naman ang nais na pagtuunan ng pansin ng actor.

Ayon kay Mark, nami-mis niya ang showbiz kaya kahit maganda ang kalagayan niya sa Burmuda UK, umuwi siya ng ‘Pinas para muling subukan ang kapalaran sa showbiz. May negosyo rin siyang pinagkakaabalahan dito na kailangan niyang tutukan para maging maayos.

Ani Mark, sobrang na-miss niya ang pag-arte tulad ng mga naibigay sa kanya ni Direk Jerry Sineneng na papel sa Natutulog Ba Ang Diyos, Flordeluna, at Minsan Lang Kitang Iibigin.

Kung ating matatandaan, nakilala noon si Mark sa larangan ng pagpapa- sexy sa bakuran ng El Nino Films, Regal Films, at Seiko Films. Namayagpag ang pangalang Mark sa pagpapa-sexy, pero saglit lang naman iyon dahil napansin agad ang husay niya sa pag-arte. At kung mabibigyan muli siya ng pagkakataong makaarte, pagtutuunan niya ito ng pansin at bibigyan ng maraming oras para lalo pang mapagbuti ang galing sa pag-arte.

Hangad naming mabigyan muli ng ikalawang pagkakataon si Mark sa showbiz at nawa’y marami rin siyang matulungan sa pagpo-prodyus niya.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …