Saturday , November 23 2024

OMG este OMB Chairman Ronnie Ricketts i-lifestyle check! (Sabi ni Doods)

00 Bulabugin jerry yap jsyAKALA natin noong una, isa si Optical Media Board (OMB) Ronnie Ricketts sa mga opisyal ng gobyerno na masipag lang magtrabaho and no monkey business.

Pero OMG!!!

Ano itong inide-demand ni dating OMB chairman Edu Manzano na busisiin ang statement of assets, liabilities and networth (SALN) ni Chairman Ricketts dahil ibang-iba na raw ang kanyang lifestyle ngayon.

Ayon kay ex-Chairman Edu, taon-taon kung bumili ng bagong kotse si Ricketts.

Ang ginagawa raw na ito ni ex-chairman Edu ay tulong sa mga empleyado at opisyal na nadamay sa suspensiyon ni Ricketts.

Palagay natin, hindi lang SALN ang dapat imbestigahan kay Chairman Ricketts kundi ang kabuuan ng kanyang lifestyle.

Si Ricketts ang classic example ng kasabihan na “ang ilog na tahimik ay malalim.”

Ganyan umano katinik si Ricketts.

No wonder, nagkalat pa rin ang mga pinirata na DVD sa bansa natin. At bakit kaya medyo nanamlay ang OMB sa mga raid raid ‘kuno’ nila?

Paging Ombudsman Conchita Carpio-Morales!

Pastoral letter ng CBCP tatalab kaya sa mga politikong kapalmuks!?

NATUTUWA tayo sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Hindi sila nagsasawang magpaalala sa sambayanan na sundin ang kanilang konsiyensiya laban sa mga tiwaling politiko lalo na ‘yung mga sentensiyado sa kasong pandarambong.

Ipinaalala rin nila na huwag tangkilikin ang nagtataguyod ng political dynasty.

Sana ay tumimo sa sambayanang Kristiyano ang Pastoral Letter na ito ng CBCP dahil mabuting gabay ito sa pagboto.

Pero s’yempre, mayroon ilang hindi tinatablan ng Pastoral Letter ng CBCP kahit ipinamamarali na saradong Katoliko sila.

Isang halimbawa ‘yung mga politikong sentensiyado sa kasong plunder — Aba! Nakatakbo pa ulit, nanalo at kinatigan pa ng Korte Suprema.

Araykupo!                          

Ibig sabihin, walang katalab-talab sa kanila ang Pastoral Letter ng CBCP.

‘E ‘yung Pastoral Letter laban sa political dynasty — malaking sampal ‘ata ‘yan sa mga Binay.

Tinablan o tatablan ba sila?!

Para ka lang daw nagbuhos ng holy water sa isang demo——

Tsk tsk tsk…

Kung hindi tinatablan ang mga kapalmuks na politiko, sino ngayon ang magdedesisyon?!

S’yempre po tayong taong bayan.

Kaya pakiusap lang po sa mga gustong i-practice nag kanilang right of suffrage —  “WAG NA TAYONG MAGING BOBOTANTE!”

Bakit kailangan tanggalin ang OT pay ng mga itinapon na BI intel officers!?

Marami ang nagtatanong kung ano raw ang karapatann nitong si Bureau of Immigration (BI) Comm. Fred ‘valerie’ Mison para pakialaman nang husto ang Express Lane fees o ‘yung tinatawag na OT or overtime pay ng mga empleyado.

Hindi raw komo siya ang BI commissioner ay pwede na niyang gamitin ito sa kung ano man ang gusto niyang gawin?

Bukod daw kasi sa illegal na ginagamit ang pondo para sa ginawang nationwide rotation project ek-ek ni Comm. Miswa ‘este Mison sa mga empleyado, ay ginagawa rin daw itong WEAPON o ARMAS ni Mison para ipanakot o ipang-HARASS sa mga kokontra sa kanya!?

Gaya na lang sa kaso ng ilang Intel Officers na basta na lang itinapon ni Mison sa mga Border Crossing Points ng bansa na kaawa-awang tinanggalan ni Mison ng Overtime pay.

Bilang pag-justify sa Personnel Orders, sila ay ini-require na mag-report from Monday to Friday at 8am–5pm!

O-gag talaga, ‘di ba?

Unang-una ano ang basis ni Miswa ‘este Mison para idestino sa mga very risky na lugar ang mga pamilyadong Intel Officers gaya sa Zamboanga, Taganak, Tibanban, Balabac, Border Crossing, Batuganding at Brookespoint samantala wala naman silang proper training para sa combat operations!?

Hindi lang displacement and blatant harassment ang ginagawa ni Mison kundi depriving these Intel officers with all the benefits of receiving their must needed compensation and privileges na dapat lamang ibigay sa kanila since sila nga ay itinapon sa malalayong lugar.

Wala rin budget para sa food, board & lodging sa mga itinapon na BI Intel officers.

Maliwanag pa raw sa sikat ng araw na unti-unting pinapatay nitong si Hudas ‘este Comm. Mison ang kanyang mga empleyado?

E paano naman ang mga head of the families na umaasa sa overtime pay bilang karagdagang budget para sa kanilang pamilya?

Natural sila ang unang maapektohan!     

Sand of a beach!!!

Isa sa kanila ay nagsabi na baka tumigil na sa pag-aaral ang kanyang mga anak dahil paano pa pagkakasyahin ang basic pay na aabot lamang sa P14,000 less deductions pa!

Paprogra-programa pa raw ng BI-Cares, pero nasaan ang sinasabing CARING para sa iyong mga empleyado, Comm. Fred Mison?

Hindi umano pagdidisiplina ang ginagawa ni Mison dahil wala man lang show cause or notice of explanation para sa mga empleyado nang sila ay ipinagtatatapon sa malalayog lugar.

Very subjective ang iyong paraan sa pagdidisiplina ng mga empleyado, Booyyy?

That is conduct unbecoming of an officer… Sayang PMAer ka pa naman.

Para naman sa mga inagrabyadong BI-Intel Officers, matuto naman kayong umangal para sa inyong karapatan.

Nariyan ang Civil Service, Ombudsman, mga Korte at pati na rin Commission on Human rights na pwede ninyong lapitan.

Sayang ang yag-bols ninyo kung hindi n’yo rin lang alam gamitin sa tamang paraan!!!

Ganito ba ang daang matuwid o daang malupit sa Immigration ngayon!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *