Wednesday , November 20 2024

Hinaing ng immigration intel officers (Attention: SoJ Leila de Lima) 

misonAkala raw ng Immigration Intelligence Officers na tinamaan ng lupit ‘este’ destino sa mga border crossing points ng Pinas ay napakasama na ng dating Commissioner ng Bureau of Immigration na si ret. Gen. Ricardo David dahil siya ang unang nag-initiate ng pagpapatapon sa border crossing pero nagkamali raw sila.

Mas masahol pa raw pala ang kasalukuyang nakaupo na si Immigration Commissioner Fred ‘serious dishonesty’ Mison?!

Noong may ipinatapon si ex-BI Comm. Ric David na Intel officers ay hindi naman sila tinanggalan ng overtime pay, pero itong kasalukuyan nilang Commissioner na nagsabi noong una na tatayong bilang ama ‘kuno’ sa kanyang mga nasasakupan ay masasabing totoong ama nga.

Pero hindi ama sa kanyang mga anak kundi ama daw ng kawalang-awa at kawalang puso?!

Hindi na niya inisip na maaaring maapektohan ang mga pamilya ng mga taong kanyang inagrabyado.

Ilan sa mga empleyadong ito ang nagsabi na paano pa raw mabubuhay ang kanyang asawa at mga anak.

Hindi raw malayong mangyari na matitigil na sa pag-aaral ang kanilang mga anak, kukulangin ang pagkain sa araw-araw dahil paano nga naman mapagkakasya ang maliit na basic salary at walang tinatanggap na overtime pay!?

Unfair daw na maituturing si Mison.

Napakarami rin daw ang nagkasala na mga Immigration employees na malalapit sa kanya pero hindi man lang daw naparusahan.

Nabigyan na ng magandang assignment may mga na-promote pa.

Habang masaya at mahimbing na natutulog sina Comm. Mison, Atty. Plaza at Atty. Tansinco, may mga taong nagdurusa at isinusumpa sila sa hirap na dinaranas nila ngayon.

Iisa lang ang panalangin nila: dahil sa sobrang kabaitan ng nasabing mga tao, sana’y kunin na sila agad ni Lord!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *