Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark Dionisio, umaasang mabibigyan muli ng chance sa showbiz

060515 Mark Dionisio

00 SHOWBIZ ms mMAGANDA man ang trabaho ni Mark Dionisio sa Burmuda UK, tila hindi niya matanggihan ang tawag ng showbiz. Kaya naman nasa ‘Pinas ngayon ang dating sexy actor para balikan ang career sa pag-arte.

Halos pitong taon ding nawala sa sirkulasyon si Mark dahil nga sa trabaho bilang staff sa isang malaking restaurant sa UK at naging isa siyang sikat na basketball player duon.

Sa pagbabalik-‘Pinas ni Mark aayusin daw niya ang kaunting negosyo niya rito at babalikan ang showbiz dahil sobrang na-miss niya ang pag-arte.

“Kung mabibigyan ako ng chance na makabalik sa TV o sa pelikula, baka mag-stay uli ako rito for good na,” sambit ni Mark.

Nakilala noon si Mark sa pagpapa-sexy sa mga pelikulang ginawa niya sa bakuran ng El Nino Films, Regal Films, at Seiko Films. Marami rin namang nagawa pelikula si Mark at isa siya sa namayapag pagdating sa pagpapa-sexy.

Nabigyan din siya ng magandang break ni direk Jerry Sineneng nang isama siya sa Natutulog Ba Ang Diyos at Flordeluna ng ABS-CBN. Nakasama rin siya sa seryeng Minsan Lang Kitang Iibigin.

Umaasa si Mark na makakagawa pa rin siya ng mga ganitong klase ng teleserye na naging markado ang kanyang role.

Sa ngayon, pinasok na rin ni Mark ang pagpo-produce katulad ng mga concert and fashion shows na posibleng pagdating ng araw ay pelikula naman ang iprodyus niya.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …