Wednesday , November 20 2024

Anak ni Inday at orihinal na Panday dating sinusuyo ngayon inuupakan na ni Toby Tiongke ‘este Tiangco

toby poeSABLAY si United Nationalist Alliance (UNA) spokesperson topak este Toby Tiangco nang upakan niya si Senator Grace Poe matapos lagdaan ang plunder report laban sa mag-amang VP Jejomar Binay at Mayor Junjun Binay.

Noong una kasi, pinakasusuyo o nililiyag ng UNA ang Senadora para tumiket sa kanilang presidential contender na si VP Jojo.

At sa mga pahayag ng UNA, parang tiyak na tiyak na sila ang pipiliin ni Senator Grace komo sinasabi nilang sila ang sumuporta sa kanyang kinagisnang ama na si Fernando Poe Jr., noong 2010 presidential election.

Sa ganitong pag-asam, nagpahayag naman si SILG Mar Roxas sa 106th Philippine Dental Association convention sa SMX Convention, Pasay City, nang ganito: “Well, magalang naman akong tao, at kung nagpapakilala naman ako ang sinasabi ko ‘si Mar po.’” 

Ang pahayag na ito ni Sec. Mar ay pinik-ap ng ilan na nangangahulugang may lihim na kasunduan ang administrasyon kay Sen. Grace.

Lalo na nang lumagda ang Senadora sa  Senate Blue Ribbon Subcommittee plunder report. Umusok nang husto ang tumbong ni spokesperson topak este Toby kaya hayun inupakan si Senadora Grace.

Una, ang kanyang citizenship at nitong huli, ang kanyang residency sa bansa.

Sa isang banda, mukhang wala namang balak na totohanin ng UNA ang kanilang pagkuwestiyon sa pagkamamamayan at panahon ng paninirahan ni Senadora Grace dahil ibinunyag nila agad.

‘Yun bang tipong, “kapag hindi ka sa amin sumama, ibubunyag namin ito at kukuwestiyonin ang kandidatura mo.”

Parang gusto lang takutin. ‘E kaso ‘wrong timing.’

Nagsalita si topak este Toby sa panahon na selling like hot potato si Madam Sen. Grace.

At bukod d’yan hindi natantiya ni spokesperson topak este Toby na meron palang nakatagong ‘yagbols’ ang Sendaora kaya kinasahan sila.

Ang sabi ni Sen. Grace, “‘Di bale nang makuwestiyon ang aking pagkamamamayan at paninirahan, huwag lang maakusahan na ‘mandarambong’ sa pondo ng bayan.”

Aruykopo! Ang sakit-sakit no’n.

Kumbaga, no way, hi-way, na ilampaso mo ako sa ganyang isyu, dahil mas nakahihiya ang kasong kinakaharap ng contender ninyo.

‘Yun ‘yon ‘e.

Masyadong inismol nitong si topak este Toby si Senator Grace…

Tsk tsk tsk…

Ampon nga, ‘e lumaki naman kay Inday saka sa orihinal na Panday…

Ay sus!

Huwag ninyong hamunin ang minsang itsinismis na anak ni Apo at baka magulat kayo kung ano pa ang kayang ikasa ng anak ni Inday at ni Panday!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *