Saturday , November 23 2024

NAIA Press Corps bakit sinisingil ng MIAA ng P2.8-M bill sa telepono!?

00 Bulabugin jerry yap jsyMEDIA harassment na ba ito?

Gusto ba ng Manila International Airport Authority (MIAA) na tuluyan nang ‘lumayas’ ang mga mamamahayag na nakatalaga sa Airport kaya ipinamumukha na may utang na P2.8-milyon telephone bill ang media group?!

Nakagugulat na kailangan pa munang lumaki nang ganyan ang bill ng media group tapos saka sasabihin na may utang sa management?!

Saan kukuha ng pambayad ang mga opisyal at miyembro na taga-NAIA Press Corps (NPC).

Sabi nga ng mga katoto sa Airport, “kung may utang tayo ng 2.8 million pesos sa paggamit ng telepono, I will not be surprise if in the next coming days, we will be receiving demand letter for the electricity, water, office space, computer, printer and yes even the table & chairs.”

At bakit napakamahal naman ‘ata na telephone bill ‘yan!? E simpleng local line lang naman ‘yan at wala naman internet access!

Paanong magkakautang ang media people sa MIAA. Kung sa simula’t simula pa lamang ay malinaw sa agreement na sagot ng administrasyon ang mga bayarin para sa konsumong tubig, koryente at telepono ng NAIA press group?!

Naging pangulo rin tayo ng NPC d’yan sa NAIA pero hindi naman tayo nasingil nang ganyan.

At sa pagkakatanda ko, sa mga nagdaang airport GM halos lahat sila ay nakasuporta sa airport media kahit paminsan minsan ay nababatikos sila.

Duda tayo na hindi alam ni MIAA General Manager Bodet Honrado ang paniningil na ‘yan.

Hindi kaya may agenda ang billing na ‘yan na magalit ang airport media kay GM Honrado?

May dapat sigurong magpaliwanag, kung kanino man galing ang panggigipit na ‘yan sa media people sa NAIA.

Hindi ba, Ms. Julieth Torres?!

COD casino & hotel representatives may special access sa NAIA T3

MARAMI ang nakapupuna ngayon sa inaasal ng ilang City of Dreams casino & hotel representatives diyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Kapag naroroon kasi sila sa NAIA terminal 3, aba e kung magsiasta umano ang mga hotel representatives ‘e parang nabili na nila Airport.

Kahit siguro i-review pa ang CCTV cameras sa nasabing area ‘e walang ibang makikita kundi sila na nakapwesto pa sa arrival customs area sa mismong escalator pagbaba mula sa Immigration.

Reklamo nga ng ibang mga hotel reps, bakit sila ay hanggang lobby o sa labas lang pero itong mga tiga-City of Dreams ay may special treatment sa loob ng terminal 3.

Aba ‘e talagang nakabalandra sila  ‘dun na parang sila lang ang may karapatang sumalubong sa mga dumarating na pasahero.

Bakit nga ba AGM Vicente Guerzon!?

Hinaing ng mga airport frisker (Attention: Dotc Sec. Jun Abaya)

MORE than 600 strong but weak force of the National Employees Transportation Security [NETS], all of them deployed at the Ninoy Aquino International Airport [NAIA] terminals as Screening Security Officer [SSO] are still hoping for a miracle to raise their salary grades [SG].

Ang mga kapatid nating SSO personell ay nasa ilalim ng pangangalaga at pangangasiwa ng Office of the Transportation Secretary (OTS)  directly under the office of Department of Transportation and Communication [DoTC] ni Kalihim JUN PABAYA ‘este’ ABAYA.

Karamihan, kundi man mayorya ng mga SSO ay ‘tinubuan na ng tahig’ sa NAIA at  ilang taon na ring nagtitiis sa ‘kakapiranggot’ na sahod.

Mantakin ninyo na ang senior SSO ay sumasahod lamang ng may P13K per month under SG-8?!

Samantalang ang mga newly hired at contractual na mga kasamahan nila ay enjoy agad sa SG-11 on-ward ranging from P16K to P18K!

 What the fact!?

Ang classic pa nito, ang petition na iniharap ng mga veteran SSO sa tanggapan ng kanilang Asst. Secretary ay halos mahigit 5-taon ng nakatengga sa lamesa nito at hindi alam ng mga petitioners kung ito ba raw ay maaaprubahan o tuluyan nang aanayin sa Asec. table.

Natuklasan pa na sa masigasig na pagsasaliksik ng ilang miyembro ng NETS, nadiskubre na may sapat na pondo naman umano upang itaas ang SG ng mga beterano ng SSO ngunit ang ‘di alam ng mga pobreng kapatid nating “frisker” kung talagang likas ang pagiging ‘makunat pa sa inuyat’ ng kanilang Assistang Secretary?!

Kaya pala hindi maiwasan na ang ilan sa mga SSO ay “dumidiskarte” dahil sa P13K [SG-8] take-home pay w/d deductions pa ay ‘di kakayaning suportahan ang pamilya na may 2 anak, nangungupahan at may bayarin pa sa kuryente, tubig at pambili ng pagkain.

Dasal na lang nila ay sana’y magbago ang ‘pasahod sa kanila kapag natapos na ang tuwid na daan.  

Tsk tsk tsk!

Paboritong “pamatong” daw ni General Nana

Sir Jerry info ko lang po sa inyo kahit nasasaktan at tinatamaan ang tropang intelihensiya ay hndi ho kinakastigo ni DD Nana.Malakas kasi ang lider nito kay —— sa city hall.hndi cya pamato kundi pamatong ng MPD.mamang pulis MPD.0918565——

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *