Saturday , November 23 2024

May media ops vs Sen. Grace Poe

00 Bulabugin jerry yap jsyHETO na, hindi nga tayo nagkabisala.

Umuulan na ng bakbakan at mukhang nagpipiyesta na ang mga political operator.

Nagpapalitan na ng operation ang mga upahan at mersenaryong political operator ng administrasyon at oposisyon.

Umupak ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban kay Vice President Jejomar Binay at ipina-freeze ang kanyang bank accounts at mga asset, sabay upak na iyon daw ay mula sa kanyang mga overpriced deals sa kanilang siyudad at ang mga hindi umano maipaliwanag na asset ng buong pamilya.

Hindi naman daw kasi galing sa buena familia o mga lahing asendero ang mga Binay kaya nakapagtatakang makapagkamal sila nang ganoong yaman.

Kaya naman ang hinuha at haka-haka ng mga nag-uututang-dila sa mga coffee shops ‘e gumanti ang unang naupakan at kinaladkad sa media ang US citizenship ni Senator Grace Poe.

Base sa napakalaking balita na lumabas sa ilang broadsheets si Senator Poe pala ay may dual citizenship.

Kaya mayroon siyang dalawang passport, isang US passport at isang Filipino passport.

Huling ginamit umano ni Senator Poe ang kanyang US passport noong Disyembre 27, 2009 habang ang kanyang Philippine passport ay ginagamit niya ngayon sa pagbiyahe-biyahe.

Wala rin itong ipinag-iba noong tumakbong presidente ang kanyang tatay na si Fernando Poe Jr., kinuwestiyon din ang citizenship.

Ngayong pumutok na ang isyung ‘yan, mukhang dapat nang magdesisyon si Senator Poe kung ano ang pipiliin niyang pagkamamamayan — Pinoy ba o Kana!?

Pero ang mas mabigat na isyu d’yan, hindi kaya mabalewala ang kanyang pagiging No. 1 Senator kapag may nagpetisyon sa korte na balewalain ang kanyang pagkapanalo sa eleksiyon dahil hindi siya naging tapat sa sambayanan sa isyu ng kanyang pagkamamamayan?

Kung dati ay pinag-aagawan siyang maging Presidente o Bise Presidente ng iba’t ibang partido, kapag naipetisyon na ibasura ang pagkakahalal sa kanya bilang No. 1 Senator, kahit barangay kagawad, tiyak wala nang kukuha kay Senator Grace Poe.

Tsk tsk tsk… magagalit na naman n’yan si Inday!

Mga adelantadong ‘spin doctors’ ginugulo ang Malakanyang!

Apat na posisyon ang bakante sa Commission on Human Rights (CHR), nang matapos ang termino ni dating Chairperson Etta Rosales, noong May 5,  na ngayon ay naka-hold over at tatlong kasama niya, habang walang pang  inia-appoint ang Presidente. May limampu (50) ang mga nagkainteres  na mag-apply sa mga nabakanteng posisyon na ngayon ay nasa vetting process pa.

Pero marami rin ang mga gumawa ng taktikang-bulok para itulak ang kanilang kanya-kanyang manok.

Noong isang linggo habang nasa Canada si Presidente Noynoy Aquino ay may lumabas na news item na ilan umano sa mga aplikante at aspirante bilang CHR Chairman ay sina dating Constitutional Commissioner Chito Gascon, si dating Congressman Erin Tanada, Gwen Pimentel na kapatid ni Senador Koko Pimintel.

Marami ang nagulat at nagtaka kung bakit may mga press releases, at kino-congratulate pa sila sa radyo.

Aba’y napaka-adelantado naman ‘ata nila!?

Pinapangunahan pa ang presidente habang siya ay nasa Canada?!

Kamot nga raw sa ulo ang ilan sa bright boys sa Malakanyang dahil hindi pa nga natatapos ang selection process ng board  sa Presidential Management Staff ay may pahayag na agad sa media na lumabas na may ini-appoint na sa CHR.

Nililito at ginugulo ng ‘SPIN DOCTORS CUM MEDIA OPERATORS’ ang trabaho ng  selection board ng Presidential Management Staff maging si Executive Secretary Jojo Ochoa ay nabigla rin.

Nag-post pa nga si Con-Com Chito Gascon sa kanyang Facebook wall:

“That the Public May Know (this includes well-wishers): the vetting process to the CHR is still ongoing… no appointments have thus far been issued… the earlier report everyone had relied upon was not based upon an official announcement from OP (this is also a GMA Online Report, only more recent)… i appreciate the expressions of support BUT let’s just wait for the search process to be completed… God Bless Always… Cheers!

Lekat, masyadong atat na atat ang ilang tao na mai-appoint ang minamanok nila sa pamamagitan ng media?!

Sigurado ba kayong gusto ng mga tao na mai-appoint sila sa Commission on Human Rights? O sa ibang opisina? O kayo lang ang may gusto? 

Ano bang meron diyan sa opisina ng Commission on Human Rights at maraming nagkukumahog na ma-appoint!?

DPWH naliligaw sa paghuhukay ng mga kalsada?!

SIR JERRY, magandang buhay po. Gusto ko lang pong tawagin ang pansin ng mga taga-Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ginagawa nilang walang tigil na paghuhukay sa mga kalsada sa Metro Manila lalo na po sa Hermosa St., Tondo, Manila. Malalalim at malalawak po ang ginagawa nilang hukay na tila hinahanap nila ‘yung matandang creek na tinabunan noon. Ang ibig ko pong sabihin parang hindi kabisado o kapado ng mga taga-DPWH kung nasaan ang matandang creek. Nasaan na po ba ang magagaling na engineer ng DPWH gaya ni Engr. Emilio Palac na siyang nakaresolba ng baha sa España?! Naresolba po niya ang baha sa España hindi sa pamamagitan ng pagtataas ng kalsada kundi ng tamang paghahanap ng daanan ng tubig (waste waters, rainfall etc). sana po hanapin ng DPWH ‘yung dating magagaling na engineer na siyang nakaaalam ng blueprint ng mga daanan ng tubig para maresolba ang problema ng baha sa Metro Manila. ‘Yun lang po at maraming salamat, Sir Jerry. #+63907598 – – – –

Public hospitals niraraket ng public doctors na nagmo-moonlight sa private hospitals

SIR JERRY, bakit po ganoon? Babae naman si Health Secretary Janet Guarin pero ang hilig niyang magpapogi. Busisiin po niya ang raket ng mga doktor sa public hospitals na nagmo-moonlighting sa mga private hospitals/clinics. Kasi po kapag may pasyente sila sa public hospitals, sasabihin sa private ward ng public hospital ia-admit para makatipid. Makakatipid nga po sa gastos sa ospital pero para namang hinoldap ng doctor sa mahal ng PROFESSIONAL FEE (PF). Babayad lang sa ospital ng P10,000 pero ang PF, aabutin ng mahigit P100,000. Kaya po nababalewala ang magandang programa ngayon ng Philhealth under Mr. Alex Padilla kasi po may kaltas nasa Philhealth, may cash out pa ang pasyente sa PF?! ‘Yan ang trabahuin mo Secretary Janet Guarin, hindi ‘yung panay ang papogi mo e bebot ka naman. #+63932485 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *