Tuesday , November 26 2024

Ang bastos at aroganteng LANDBANK YMCA branch employee

landbankGOOD Day po sir, gusto ko lang po sana mag-complaint laban sa isang empleyado ng landbank na nagngangalang “Ros” ng Manila YMCA Branch. Isa po akong empleyado ng Manila City Hall na naka-detail sa Manila Boys Town na matatagpuan sa Marikina mahigit isang taon na.

April 13, 2015 dakong 9 am, nagpunta po ako sa landbank para mag-update ng aking account sapagkat nais ko po sanang maka-avail ng “LOAN” na aking gagamitin sa pagpapa-enrol ng aking anak. ‘Pag tawag po ng aking numero, agad naman po akong binig-yan ng unang babae ng form na akong pi-fill-up-an. Hiningan po nila ako ng 2 valid ID at iprenisenta ko po at ipina-xerox ang aking EMPLOYEE ID at ang ATM ID kung saan dumaraan ang aking suweldo galing sa LANDBANK. Hiningan din po nila ako ng MARRIAGE CERTIFICATE at ibinigay ko naman po ang xerox nito. Nang makita po ng babae ang aking xerox i.d. sabi nya “NAKU MAM, HINDI PO ‘ATA PWEDE ITO.”

Nagdududang pagkasabi niya sa akin habang nakaturo ang mga daliri sa pangalan ni MAYOR ALFREDO LIM na siyang nakapirma sa aking EMPLOYEE ID. “Sandali lang po ha.” Lumapit sa unang counter na may naka-lagay na “VERIFIER.” Nang bumalik ang babae ay kasama na niya ang lalaki at ang lalaki na po ang nakipag-usap sa akin. “Miss baka may ibang ID PO KAYO D’YAN,” sabi ng lalaki na may name plate na “ROS.”  “Naku SIR, pasensiya na po kayo, ‘yan lang po kc ang ID na meron ako. Bakit po? Ano po bang problema sa ID ko?” tanong ko po sa kanya. “HINDI KC NAMIN TINATANGGAP ‘YAN DAHIL IBANG MAYOR ANG NAKAPIRMA JAN E, WALA NA ‘YAN! KUMUHA MUNA KAYO NG ID NI ERAP!” Nakangisi at tila nang-iinsultong sabi sa akin. “E paano po ‘yun Sir hndi naman po ako inisyuhan ng opisina namin ng ID ni Erap,” sagot ko sa kanya. “E HINDI NGA PUWEDE ‘YAN EXPIRED NA ‘YANG NAKAPIRMA,” giit niya habang nakaturo sa pangalan ni Mayor Lim. Nagulat po ako sa sagot niya at ang sabi ko, “Teka lang po sir, ISSUE po ba un? Hindi po ba sapat na ako ay isang permanenteng empleyado at dto sa inyo dumaraan ang aking suweldo?” katwiran ko po sa kanya. Sa ma-daling salita, un po ang aming napagtalunan, hanggang makarating po kami sa branch manager at agad naman pong umaksyon ang nasabing branch manager. Na-update rin po nila ang aking account that day. Bago po ako umalis ng LANDBANK narinig ko pa pong sinabi ni sir ROS na “Aaahh Valerie Sy pala pangalan n’yanm,” na tila nagbabanta. ‘Yung mga sumunod na linggo hndi pa rin ako naaprubahan ng banko sa loan ko. EVERYWEEK ibinabalik ‘daw’ po nla ang papel ko sa opisina dahil may mga mali hanggang umabot na ng tatlong linggo mula nang ako po ay nag- update ng aking account. Ngayon nga po ay muli na naman nilang ibinalik ang aking papel, dahil daw po may mali na naman at sa pagkakataong ito ang mali daw po ay may PERIOD daw po akong naituldok sa aking MIDDLE NAME! Nakapapanting po ng tenga at nakakabwisit na dahilan hnd po ba? Kahit ayaw ko pong isiping nananadya na lang para tumagal ang LOAN APPLICATION ko. Sa pagkakataon pong ito, HINDI na po ako INTERESADO sa LOAN ko, ang nais ko lamang po ay MABIGYAN ng KAUKULANG PANSIN ang aking REKLAMO kay GINOONG ROS ng LANDBANK YMCA BRANCH. Hanggang ngayon po kc naiisip ko po ‘yung dahilan niya kung bakit INVALID ang sinasabi niyang ID ko gayong ang kanilang BUSINESS PERMIT na NAKASABIT HANGGANG NGAYON, ay PIRMADO at MAY MUKA ni MAYOR ALFREDO LIM!

Kung INVALID po ang aking ID, INVALID DIN PO ang KANILANG BUSINESS PERMIT! ——@yahoo.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *