Friday , November 22 2024

Hindi dapat magpa-bully sa China ang mga Pinoy

081714 china phWALANg dapat ikatakot ang gobyernong Pinoy sa pambu-bully ng China.

Ang tinutukoy natin dito, ang tila pagyayabang ng China na kayang-kaya nilang durugin ang Pinas sa pamamagitan ng kanilang malalakas na armamento at maraming sundalo.

Hindi laging lakas ang nagtatakda ng TAGUMPAY.

Mas matamis ang tagumpay na napagwagihan sa pamamagitan ng paggigiit ng tama at naaayon sa prinsipyong diplomatiko.

Ang paggamit ng LAKAS ay nangangahulugan ng kakapusan sa kakayahang tindigan ang katuwiran na nakabase sa tamang prinsipyo at katotohanan.

Kung katotohanan at tamang katuwiran ang nais igiit ng China sa isyu ng islang kanilang inaangkin ngayon, bakit kinakailangan mag-estasyon ng mga barkong panggiyera at sandamakmak na sundalong-Tsino?!

Bakit kailangang magpaalam ng mga kababayan  natin tuwing sila ay mangingisda?!

Talaga bang hindi kinikilala ng China ang mga pandaigdigang batas at tribunal?

Sa isang banda naiintinidhan natin ang pagmamatigas ng China lalo na’t kung ang ginagamit nilang basehan sa kanilang pag-aangkin ang tinatawag na ‘OLD WORLD ORDER.’

Pero hindi ito nangangahulugan na papayag na lang tayo basta na ‘bastusin’ sa usaping pang-diplomatiko ng bansang mas malaki ang nakukuhang pakinabang sa ating mga likas na yaman.

At dito natin gustong sabihin kay PNoy na kung gusto niyang bigyan ng leksiyon ang bansang China sa ginagawang pambu-bully sa atin, dapat niyang pag-aralan ang mungkahi ng isang militanteng mambabatas.

Ito ‘yung mungkahing tanggalan ng lisensiya ang mga kompanyang Chinese sa industriya ng pagmimina. Baka nalilimutan ng China na sandamakmak ang mga kompanya nila na naririto sa bansa para magmina.

Baka nalilimutan nila na maraming mineral ang napakikinabangan nila sa ating bansa?! Ultimo ang kanilang yamang-dagat ay hindi nakasasapat sa pangangailangan ng malaking bilang ng kanilang populasyon kaya nga kailangan pa nilang dumayo ng pangingisda.

Hindi dapat mawala sa isip ng China na naririto sa bansang Pinas ang marami nilang kababayan na mas marami ang ilegal na nakapaninirahan?!

Hindi rin ba naiintindihan ng mga Tsino na tayo ay mas mabuting kaalyado kaysa kaaway?!

Ito ay hindi lamang paalala sa maaangas na Tsino kundi maging sa nakalilimot nating gov’t officials.

In short, dapat patalasin ng administrasyon ni PNoy kung paano bibigwasan ang China sa diplomatikong pamamaraan para naman maitaas ang morale ng kanyang mga mamamayan.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *