Friday , November 22 2024

Kakapusan ng IOs at maling prioridad sa paglalagay ng Immigration Counter para sa pinoy at OFW passports sa NAIA T-3

airportKAPANSIN-PANSIN sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na mas maraming Immigration counter ang nakalaan para sa foreign passports.

Gaya na lang nitong nakaraang Semana Santa, apat na counter ang inilalaan sa foreign passports habang dalawang counter lang para sa Filipino passports.

What the fact, newly promoted IO-3 Dennis Opina!?

Ang nangyayari tuloy, naimbudo ang mga pasaherong Pinoy sa haba ng pila habang ang luwag-luwag ng apat na counter para sa foreign passports.

Heto pa ang siste. Iisa lang ang Immigration officer na itinatalaga sa bawat counter na dati ay dalawa, kaya lalong kumupad ang pag-usad ng pila ng mga pasahero.

Sabi nga ng Pinoy travellers, sa bansa natin ay baligtad talaga, mas priority pa ang dayuhan kaysa Filipino?!

Sino kaya ang henyong-talong sa BI-NAIA T3 ang nakaisip na ganito ang gawin sa Immigration counters?!

Hindi ba’t ang dami nang kinuhang bagong Immigration Officers na sinusuweldohan ng Bureau sa pamamagitan ng Pinoy taxpayers’ money?!

Paging BI-NAIA T3, pakiayos naman ang counters ninyo para sa Pinoy passengers at OFW!

Aksiyon Immigration Supervisor Rico Pedrealba! 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *