Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Poll survey ‘Commissioners’ dapat ilantad

00 Bulabugin jerry yap jsyNGAYONG mag-eeleksiyon na naman (2016), hindi na tayo nagtataka kung bakit maya’t maya ay may iba’t ibang uri ng poll survey ang luma-labas.

Ito ‘yung tinatawag na mind conditioning.

Ang problema rito, walang sukatan at garantiya kung totoo nga ‘yang ga survey-survey na ‘yan dahil hindi naman alam ng publiko ang mechanics at technicalities ng mga survey na ‘yan.

Pabor tayo sa pagkatig ng Korte Suprema sa Comelec Resolution No. 9674 na dapat ilantad ng survey firms kung sino ang kliyente nilang nagpapakomisyon.

Kaya lang, nagtataka rin tayo kung bakit pinigil ng Supreme Court ang pagpapataw ng penalty laban sa dalawang polling firms na Social Weather Stations at Pulse Asia Inc., na sumablay sa itinatakdang regulasyon ng Comelec.

Sa petition na inihain ng dalawang polling firms noong Mayo 2013 sa SC, sinabi nilang ang pagbubunyag sa kanilang kliyente ay magiging paglabag naman sa kanilang kontrata.

Tsk tsk tsk …

Aba ‘e kung kakatigan rin pala ng Supreme Court ang mga polling firm na ‘yan, ano na lang ang magiging mukha ng Comelec?!

Paano nila ipatutupad ang kanilang Comelec Resolution No. 9674?!

Sa mga ganyang problema, malinaw na lumalabas talaga ang mga butas-butas na batas.

Ano ngayon ang susundin ng Comelec?!

Pakisagot na nga po!

Online shoppers mag-ingat sa scammer na Scarlett’s  Beauty Secret

TAGA-MINDORO po ako sir. I report ko po si Marnelie Grace Illavera ng Caloocan City scammer po xa Nelie Illavera name nya sa FB. Xa po may-ari ng online shop na Scarlett’s Beauty Secret. P8 thousand po ung na scam n’ya sa akin. Baka may mbiktima na naman xa.

 #+63909491 – – – –

Desmayado kay Kim Henares

‘YONG Kim Henares na ‘yan po ang sinisingil nila sa may mga malawak na negosyo ay ‘yong para sa kanya as porsento upang makapreparar cya para ng maraming money dahil pag-iba ng mamumuno ay iba na rin ang papalit sa kanya. Yan ang totuo tinginan nyo pag makita mo c Kim Henares sa tv parang ang mukha walang hesucristo. – Concerned Citizen #+63919851 – – – –

Claims ng SSS benefits ayaw ibigay?!

DB po khit saang sangay k ng SSS mg claim ng benefits ay pwde, kc iisa lng nmn yng SSS, bkit jn s PASAY TAFT branch ng SSS, ung mnugang ng kumara q n nmtay ang ama tga-Obando Bul, ay d pde mg claim? Salot s mga myembro ng SSS. ‘Yng nkadestino jn s SSS Pasay Taft branch, sobrang phirap s mga kumukuha ng death claims, dpat iboycot yn. Wlang puso at kaluluwa ata yng ng interview jn, sna karmahin yn #+63919239 – – – –

Madilim na tulay sa Brgy. San Juan Balagtas, Bulacan (paging: 2nd bulacan engineering district)

PARATING ko po sa mga kinauukulan itong madilim na bahagi ng tulay ng Balagtas na lubhang kailangan po mapalagyan ng ilaw ang naturang tulay. Maraming motorista rito na palagiang dumaraan ang nagrereklamo dahil napakadilim itong Balagtas Bridge na nasasakupan ng Brgy. San Juan Balagtas Bulacan kaya’t hilingin ko po sa pamunuan ng 2nd Bulacan Engineering District at kay provincial engineering’s district at kay provincial engineer’s office chief Engr. Glenn Reyes na mapalagyan ng street light itong nasabing tulay para na rin maiwasan ang anumang aksidente na maaring maganap dahil sa kadiliman nitong tulay. – Concerned Citizen #+63932300 – – – –

Mababa ang morale dahil kay PNoy?!

KAY PNoy mababa morale ng mga pulis at sundalo #+63947148 – – – –

BBL ng Malaysia binu-bully ang Pinas?!

JERRY gud am! Prang tinatakot yata tyo ng Malaysia bakit hindi lang magprepara ng sektor upang mahuli ‘yong mga sibilyan napatakas ng Pilipinas pa2ngo Malaysia, dahil mga pamilya rin ng mga bandido ang lilikas. Ang ibig k lng ipahayag itong BBL ay bakit ang ibng negosyador  ay tga Malaysia at gusto lang mkakuha ng kredito as negosyador. Tama lang na  itigil na ang BBL dahil  hindi lang MILF ang  namumuhay sa  Mindanao na sila lang ang  bibigyan ng  batas, kapangyarihan  laban s batas at  kapangyarihan nang  buong Mindanao n nasasakupan ng Pilipinas. Ang pinakapapel ng MILF sa Mindanao ay langam o anay sa loob ng bahay #+63999933 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …