IPINAGTANGGOL ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV ang media sa paninisi ng kanyang tokayong si Communications Secretary Herminio “Sonny” Colokoy este Coloma sa sumadsad na ratings ni Pangulong Benigno Aquino III.
Tahasang sinabi ni Sen. Trillanes na hindi ang media ang may kasalanan kundi ang mismong communication handlers ni Aquino ang may pagkukulang.
Napakalinaw ng paliwanag ni Sen. Trillanes, very emotional ang issue ng Mamasapano kaya hindi dapat hinayaang magsalita nang magsalita ang pangulo sa isyu.
Aniya, palpak ang communications group ni Aquino dahil hindi naging maayos ang mga sasabihin sa publiko.
Ngunit kung palpak ang commumications group, hindi rin aniya dapat nagpadala sa emosyon ang pangulo nang sa gayon, maaga pa ay maayos nilang nasagot ang mga dapat linawin sa isyu ng Mamasapano na pinaniniwalaang malaking isyung nagpabagsak sa ratings ng Aquino.
Anyway, hindi ba naia-assess nina Secretary Coloma na dumadalas ang kanilang lapses? Kaya dapat ay pinagpaplanohan ang pagharap sa media.
Huwag nilang hayaang nagmumukhang ‘batang’ inaapi kaya nagsusumbong kung kani-kanino ang Pangulo.
Hoy Sec. Coloma, Lacierda at Valte, ayusin nga ninyo ang trabaho ninyo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com