Friday , September 5 2025

PNP-CIDG chief Gen. Benjamin Magalong may prinsipyo na may ‘balls’ pa!

benjamin magalongSANA lahat ng police top brass ‘e may paninindigan na gaya kay Gen. Benjamin Magalong, ang Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at namuno sa Board of Inquiry (BOI) na nangalap ng mga ebidensiya at nag-imbestiga sa Mamasapano incident noong Enero 25, na ikinamatay ng 44 commando ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF).

Buong paninindigan na pinangatawanan ni Gen. Magalong bilang namumuno sa BOI ang kanilang findings at resulta ng imbestigasyon hinggil sa mga sirkumstansiya na ikinamatay ng 44 SAF commando.

Malaking bagay na isang gaya ni  Gen. Magalong ang namuno sa BOI lalo’t nasa gitna ng tila krisis sa kredebilidad ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Kung hindi man tinitingnang positibo ng ilang mga taga-administrasyon ang findings ng BOI, sa ating palagay ay nagkakamali sila.

Malaking bagay ito para ma-neutralize ang negatibong pagtingin sa PNoy administration. Ibig sabihin, kung nakapagpapasya nang gaya nito si Gen. Magalong, nangangahulugan lamang na mayroong tunay na demokrasya sa ilalim ng pamumuno ng isang Aquino.

Gaya ng gustong imarka ng pamilya Aquino sa kasaysayan na sila ay poder ng demokrasya.

At para tuluyang magkaroon ito ng kahulugan, nararapat tanggapin ni PNoy, sa ayaw at sa gusto niya, na malaki rin ang kanyang pananagutan sa nasabing insidente.

Lalo pa’t litaw na litaw na ipinagkatiwala niya ang isang maselang operasyon sa isang suspendidong PNP chief — ang kaibigan at kabarilang si Gen. Alan Purisima.

Habang mahigpit na itinagubilin na ilihim kina SILG Mar Roxas at Acting PNP OIC Gen. Leonardo Espina ang Mamasapano operations.

Pero dahil may immunity nga ang Pangulo, hindi siya maaaring papanagutin — kaya si SAF chief, Gen, Getulio Napeñas ang nahagip ng espada ni Damocles.

And the rest is history…

Pero ang tinitiyak natin, kasama sa history na ‘yan ang mapanindigan at maprinsipyong pagpapasya ng BOI chief.

Saludo tayo kay Gen. Magalong at sa lahat ng bumubuo ng BOI!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Richard Hinola 8th Philippine Empowered Men and Women

8th Philippine Empowered Men and Women mas pinalaki at pinabongga

MATABILni John Fontanilla KAHANGA-HANGA ngayon ang 8th  Philippine Empowered Men and Women 2025 dahil mas pinalaki at …

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *