Sunday , December 22 2024

Cannot be reached pa rin si OWWA Chief Calzado sa repat OFWs

cazaldoBUNSOD nang lumalalang tensiyon sa Yemen, focus ngayon ang pamahalaan para magbigay ng tulong sa mga nagsisilikas na mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) na nagparehistro bilang panimulang proseso para sa isasagawang Mandatory Repatriation.

Sa pagkakataong may pagkilos para tulungan ang Pinoy workers sa ibayong dagat ay inaasahang magpaparamdam si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Adminsitrator Rebecca Calzado.

Kaya lang ay ‘di sure kung personal siyang aalalay sa ipatutupad na repatriation move ng government team.

“OWWA is part of the Crisis Management Team  (CMT) composed of  officials from the  DFA and the Department of Labor and Employment (DOLE). The CMT continuously monitors  the situation of countries experiencing crisis to ensure that our OFWs working there are safe.  If immediate action is needed, the CMT automatically activates its committees to respond to the situation,” ani Calzado.

Sa ngayon, sa notebook ni Administrator Calzado, since 26 January 2015, there are 2,391 OFWs working in Yemen as nurses, household service workers (HSWs), supervisors, technicians, mechanics, engineers, among others.

Ang patuloy na gulo sa capital city of Sana’a ng mga Houthi rebels and the recent suspension of many embassies in the Yemeni capital were the basis for the DFA’s heightened alert level.

Kaya naman agad umapela at nakiusap ang OWWA  sa mga kaanak ng OFWs  in  Yemen to  convince their loved ones to come home.

On the record, dagdag ni Calzado, nitong taon 2011, OWWA assisted about 1,000 OFWs who returned from Yemen due to the  political instability.

By the way, nakarating sa kaalaman natin na may malubhang karamdaman daw ang kabiyak ni Ma’am Rebecca kung kaya’t ‘di siya nakapagbibigay nang personal assistance sa repatriates.

Pero hindi rason ‘yan na ‘di bigyan ng pansin ng OWWA at aluhin sa kanilang kalungkutan ang umuuwing luhaang OFWs no matter what.

Ano sa palagay ninyo? Or else, turn over the post to another person na makapagbibigay ng panahon tulad ng ginawa noon nina former OWWA chief Wilhelm Soriano, Eli Gardiner at Carmelita Dimzon.

Think of it Madame Calzado!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *