Sunday , December 22 2024

Baha sa Muelle del Rio sa ilalim ng Jones Bridge sino ang dapat humigop? (Paging MMDA, Paging DPWH)

bahamuelledelrioMarami talaga ng nagulat nang isara ang ilang pangunahing kalsada sa Intramuros.

Talaga namang napapamura ang mga taxi driver at iba pang motorista lalo na ‘yung hindi kabisado ang Intramuros dahil kung saan-saan pa sila napapaikot.

Pero ang higit na nakabubuwisit, ‘yung ini-repair na kalsada, Muelle del Rio sa gilid ng Pasig River ay hindi nagagamit o nadaraanan dahil hindi nawawala ang baha sa ilalim ng paanan ng Jones Bridge.

Ang road repair na ‘yan ay ginastusan nang milyones at ilang buwan nang natapos pero hindi madaanan dahil nga sa baha.

Ito po ‘yung nasa likod ng National Press Club at katabi lang mismo ng pump station ng Flood Control ng Department of Public Works and Highways (DPWH)  pero under the supervision of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

What the fact?!

Ano ba ang balak ng MMDA d’yan sa baha na ‘yan?! Ipahigop sa Malacañang?

Paging Chairman Francis Tolentino! Pakisilip ang baha sa Muelle del Rio!                

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *