Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babaeng nam-bash kay Piolo, natakot kaya dali-daling binura ang comment

 

ni Alex Brosas

022615 Iñigo Piolo Pokwang

RUMESBAK si Piolo Pascual sa isang girl basher na nag-comment ng hindi maganda sa isang photo na ipinost ni Pokwang na kasama niya ang mag-amang Piolo at Inigo.

Isang female Instagram follower under the name JOYDAGZ7252009 ang kaagad na nag-comment ng, “The bakla piola.”

Nabasa ni Piolo ang comment and he immediately asked Pokwang kung kilala niya ito.

Hindi rito nagtapos ang aksiyon ni Piolo. Nag-search siya about JOYDAGZ7252009 account at nang makakuha ng photos nito ay itinag niya ito with this message, “I hope your daughter (if she is) grows up to be a respectful person.”

Sumagot naman kaagad ang JOYDAGZ7252009 and said, “Nag comment lang, hay naku Pilipino nga naman”.

Ipinagtanggol naman kaagad ni Pokwang si Piolo at sinabing, “Sa mga hater and bashers isip muna bago click ok lalo na kung mabuting tao ang kinakalaban nyo! @piolo_pascual ay napaka bait na ama, kapatid at kaibigan so sana tigilan nyo na ang ganyang mga gawaing maka impierno sa kapwa! Tandaan lang ang isang salita KARMA!!!! Yun na! Lahat ng masamang gawain may balik din yan!”

Mayroon isang follower si Pokwang na nag-suggest ng ganito, “@titarose puntahan mo sa hotel kung saan sya nag wo work tapos dalhin mo katibayan ng comment nya sa IG na nai screen grab mo at ireport yan sa management ng hotel, cyber bullying yan hindi tama yan!!!!! nakapag check inn na kami that same hotel sa pagkakatanda ko.”

Sa sobrang takot ni @joydagz7252009 ay kaagad niyang binura ang IG and Facebook accounts niya.

Nakakatawa itong @joydags7252009 na ito. Duwag naman pala siya. Ang dapat sa kanya ay binubuhusan ng asido para magtanda. O kaya ay ipinalalapa sa mga asong hindi pinakain ng isang linggo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …