SIYAM na award ang nakuha ng pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo ni Robin Padilla kasama na ang Best Picture. Ito rin ang nakakuha ng pinakamaraming award sa katatapos na 40th Metro Manila Film Festival na ginanap noong Disyembre 27 sa PICC Plenary Hall.
Pitong tropeo naman ang naiuwi ng romantic-comedy film English Only, Please kasama ang Second Best Picture, Best Director, at top acting awards.
May anim na award naman ang sa horror/adventure/comedy film na Kubot: The Aswang Chronicles kasama na ang Third Best Picture.
Itinanghal na Best Actor si Derek Ramsay para sa pelikulang English Only, Please(sayang at hindi niya personal na nakuha ang tropeo dahil wala ito sa awards night)samantalang ang kanyang leading lady na si Jennylyn Mercado naman ang nakasungkit ng Best Actress trophy. Sinasabing umiiyak ang aktres nang kunin ang tropeo.
Hindi rin nakadalo sa naturang awards night si Joey Marquez na itinanghal na Best Supporting Actor para sa Kubot: The Aswang Chronicles 2. Umiiyak ding kinuha ni Lotlot de Leon ang kanyang tropeo bilang Best Supporting Actress para sa Kubot.
Si Ryzza Mae Dizon naman ang itinanghal na Best Child Performer para sa My Big Bossing.
Itinanghal namang Best Actor para sa New Wave category si Allen Dizon para sa pelikulang Magkakabaung samantalang si Zsa Zsa Padilla naman ang nakasungkit ng Best Actress trophy para sa pelikulang M Mother’s Maiden Name. Ang Magkakabaung din ang itinanghal na New Wave Best Film.
Tumanggap naman si dating pangulong Joseph Estrada ng Commemorative Award for Vision and Leadership gayundin si MMFF at MMDA Chairman Francis Tolentino. Binigyan din ng award si dating Guillermo de Vega ng Memorial Award na ang kanyang asawang si Maria de Vega ang kumuha ng award.
Narito ang kompletong listahan ng mga nanalo sa 40th Metro Manila Film Fest (2014):
MAINSTREAM—Best Picture—Bonifacio: Ang Unang Pangulo; Second Best Picture—English Only, Please; Third Best Picture—Kubot: The Aswang Chronicles 2;Best Actress: Jennylyn Mercado (English Only, Please); Best Actor—Derek Ramsay (English Only, Please); Best Director: Dan Villegas (English Only, Please); Best Supporting Actress—Lotlot de Leon (Kubot: The Aswang Chronicles 2); Best Supporting Actor—Joey Marquez (Kubot: The Aswang Chronicles 2);Best Child Performer—Ryzza Mae Dizon (My Big Bossing); Best Screenplay—Antoinette Jadaone (English Only, Please); Best Original Story—Antoinette Jadaone at Dan Villegas (English Only, Please); Best Editor—Marya Ignacio (English Only, Please);Best Cinematographer—Carlo Mendoza (Bonifacio: Ang Unang Pangulo); Best Production Design—Erickson Navarro (Kubot: The Aswang Chronicles 2); Best Visual Effects—Mothership (Kubot: The Aswang Chronicles 2); Best Sound Engineer—Wild Sound (Bonifacio: Ang Unang Pangulo); Best Musical Score—Von de Guzman (Bonifacio: Ang Unang Pangulo); Best Theme Song—Von de Guzman (Bonifacio: Ang Unang Pangulo); Best Festival Make-up Artist—(Kubot: The Aswang Chronicles 2); Gat Puno Antonio Villegas Cultural Award—Bonifacio: Ang Unang Pangulo; FPJ Memorial Award for Excellence—Bonifacio: Ang Unang Pangulo;Celeb Face of the Night—Nadine Lustre; Best Float Award—Bonifacio: Ang Unang Pangulo; at Youth Choice Award—Bonifacio: Ang Unang Pangulo.
NEW WAVE CATEGORY—New Wave Best Film—Magkakabaung; New Wave Best Supporting Actor—Kristoffer King (Maratabat Pride and Honor); New Wave Best Supporting Actress—Gloria Sevilla (M Mother’s Maiden Name); New Wave Best Actress—Zsa Zsa Padilla (M Mother’s Maiden Name); New Wave Best Actor—Allen Dizon (Magkakabaung); New Wave Best Film Director—Jason Paul Laxamana (Magkakabaung); New Wave Special Jury Prize—M Mother’s Maiden Name; New Wave Best Picture—Jason Paul Laxamana (Magkakabaung); at New Wave Student Short Film Special Jury Prize—Kalaw.
ni Maricris Valdez Nicasio