Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Entertainment press’, nakipag-jamming sa ABS-CBN Philharmonic Orchestra

00 SHOWBIZ ms mTAON-TAON isa sa pinakahihintay naming Christmas party ang sa ABS-CBN. Paano’y talagang laging bida ang mga taga-entertainment press. Bukod pa sa dalawang buwan bago ang Disyembre’y pinag-iisipan na nilang mabuti kung ano ang pakulong gagawin nila sa Christmas party for the press.

Noong Lunes, ginanap ang #ABSCBNThankYouMediaParty! sa Dolphy Theater at muli napasaya nila ang mga entertainment media. Hindi man ganoon ka-fabolosa ang mga ipina-raffle, makikita naman ang mga ngiti at saya sa bawat isa.

121714 betonyourbaby
Bukod sa mga iba’t ibang palaro na ang pinaka-highlight ay ang Bet On Your Baby na mismong si Judy Ann Santos pa ang nagpalaro, ang jamming session ng mga piling-piling movie press kasama ABS-CBN Philharmonic Orchestra ang pinakamaganda at nakatutuwang pangyayari.

Aba, ikaw ba naman ang kumanta sa saliw ng Philharmonic Orchestra, ibang level na ‘yun. Kaya tiyak marami ang nainggit sa mga kapatid sa panulat na sina Leo Bukas, Allan Diones, Dominic Rea, Alex Datu, Reyma Deveza, Nherz Almo, Glai Jarloc, Eugene Asis, Noel Orsal, Allan Policarpio, Pilar Mateo, Veronica Samio, Letty Celi, at Emy Velarde. Talaga namang nag-ala diva ang mga nabanggit na kapatid sa panulat dahil pasabog talaga ang ginawa.

121714 philharmonic
Nakatutuwa rin ang pagho-host nina Ogie Diaz at MJ Felipe dahil buhay na buhay ang gabing iyon at walang dull moment, ‘ika nga. Naglaan din ng oras ang mga executive na sina Cora Vidanes at Laurenti Dyogi para bumati sa amin. Maraming salamat po.

Sa ABS-CBN management lalo na sa Integrated Corporate Communications ng Kapamilya Network na binubuo nina Sir Bong Osorio, Kane Choa, Aaron Domingo, Kathy Solis at ng mga kasama nila, maraming-maraming salamat ang babait ninyo.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …