Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo, ‘di raw totoong binibigyan ng load si Sarah

HINDI raw sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang tinutukoy sa blind item na nagsasabing ipina-prepaid daw ng ina ang mobile nito para malimitahan ang pagtawag sa boyfriend kaya naman ang BF na ang nagbibigay ng load sa dalaga.

Ani Matteo, sakali mang binibigyan niya ng load si Sarah, wala sigurong masama iyon. Pero itinanggi niyang ginagawa niya iyon at sila ang tinutukoy sa blind item.

”If if it’s true, I’ll say it’s true no, it’s not true, hindi totoo,” ani Matteo nang makausap ito sa presscon ng Shake, Rattle & Roll XV ng Regal Entertainment Inc. na entry sa2014 MMFF.

Sinabi pa ni Matteo na hindi naman sila pinagbabawalang mag-usap ni Sarah ng ina nitong si Mommy Divine.

Si Matteo ay kasama sa episode na Flight 666 ng SR&R XV with Lovi Poe at Daniel Matsunaga under the direction of Perci Intalan. Kasama rin dito sina JC De Vera atErich Gonzales para sa Ahas episode na idinirehe ni Dondon Santos at Dennis Trilloat Carla Abellana sa Ulam episode na idinirehe naman ni Jerrold Tarog. Mapapanood na ang SR&R XV sa Dec. 25.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …