SA LAHAT ng mga abogado ngayon na may hinahawakang Immigration cases sa Bureau of Immigration (BI), wala na raw titikas pa sa isang Atty. RENNY DOMINGO.
Si Atty. Renny Domingo raw ay graduate sa UE College of law at mapalad na nakapasa sa 2005 BAR exams. Member din siya ng Tau Kappa Lambda fraternity sa nasabing unibersidad.
Siguro nagtataka kayo kung bakit natin naging subject ngayon si Atty. Domingo?
Umaalingawngaw kasi ngayon sa apat na sulok ng BI main office ang pangalan at kasikatan niya.
Marami kasi ang nakapupuna sa BI main office na halos lahat ng mabibigat na kaso ng foreigners lalo na ng mga tsekwa ‘e laging hawak niya at naaabsuwelto daw sa kanya?
Na-master ba nitong si Atty. Domingo ang Immigration law at gano’n na lang siya kagaling para ipagtanggol at ipanalo raw ang kanyang mga kliyenteng dayuhan.
Pero ang nakapagtataka, bakit ngayon lang daw siya sumikat sa administration ni SOJ Leila De Lima at Comm. Fred Mison.
Ano raw ba ang significance nito?
Kamakailan kasi may mga hinuling isang kompanya ng cellfone na pag-aari ng mga Chinese diyan sa Ortigas Pasig at lahat ay naabswelto sa kamay ni Atty. Domingo.
Kasunod naman, may hinuli ang mga NBI at BI-Intelligence sa Calaca, Batangas na isang power plant na pawang mga tsekwa na ilegal na nagtatrabaho umano sa bansa pero matapos ang preliminary investigation sa Bureau ay laking gulat ng mga prosecutors dahil hindi nila akalain na si Atty. Renny Domingo ulit ang abogado at taas-noo pa raw na sumalubong sa kanila sa harap mismo ng Commissioner’s office na abot-tenga pa ang ngiti sa mga nangyayari!?
Gano’n na lang daw ang panlulumo ng mga nasabing prosecutors dahil parang alam na nila kung ano ang mangyayari at kahihinatnan sa nasabing kaso.
Sa mga magtatanong kung bakit ganoon na lang kaasim at kaastig si Atty. Renny Domingo ngayon sa Immigration, ‘e pumunta na lang daw kayo sa Comm’s Office at doon na lang po kayo magtanong kung bakit …
O pwede rin kay SOJ Leila de Lima?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com