Monday , December 23 2024

Tatlong itlog ng Malacañang sagutin ninyo kung bakit mas maraming tambay sa Pinas ngayon!

00 Bulabugin jerry yap jsyBATAY sa survey ng Social Weather Stations (SWS) ang 11.8 milyon na walang hanapbuhay o tambay sa ating bansa ay nadagdagdan pa ng 300,000 sa taong ito.

Ito ay mula umano doon sa mga kusang umalis sa kanilang trabaho, at sa mga nawalan o natanggal sa trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang kompanya.

‘Yung iba ay first-time job seekers habang ang iba pa ay katatapos lamang ng kanilang pag-aaral.

Ang ipinagtataka natin, hindi man lang nagsasalita ang mga tagapagsalita ng Malacañang sa isyung ito ng lumalaking bilang ng mga tambay.

Walang kaboses-boses ang tatlong itlog este tagapagsalita ng Palasyo na sina Secretary Herminio “Sonny” kolokoy este Coloma, Jr., Secretary Edwin lamyerda este Lacierda at Madam Abigail Valte.

Ano ba ang pinagkakaabalahan ninyo?

Kung paano magkakaroon ng term extension ang boss ninyo?

‘E di ba, sabi nga ni Vice President Jejomar Binay, ‘yung mga alalay at alipores sa Malacañang ang atat na atat na magkaroon ng term extension?!

Ang tutulin magsisagot nang upakan sila ni VP Binay.

Pero itong lumalaking bilang ng mga TAMBAY ay wala man silang paliwanag?!

Ano ba talaga ang papel ninyo sa Palasyo mga kagalang-galang na tagasagot sa mga tanong ng bayan?!

Tsk tsk tsk …

Hindi na tayo nagtataka kung bakit bumagsak ang popularidad ni PNoy.

Hindi tuloy makatiis si Presidential Sister, Kris Aquino kaya sumasabat na rin.

O sige nga po, PAANO ninyo ipaliliwanag ang lumalaking bilang ng mga TAMBAY sa PINAS?!

Paki-EXPLAIN!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *