Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, ‘di totoong ayaw nang gumawa ng pelikula

082114 juday

00 SHOWBIZ ms mNAG-EENJOY na yata si Judy Ann Santos sa pagho-host ng mga realiserye dahil sa Agosto 30, muli siyang mapapanood sa isa na namang tunggali na pawang mag-BF-GF ang haharap sa ilang mga pagsubok, ito ay ang I Do.

Sa programang puno ng kilig, drama, at tensiyon, susuong ang siyam na couples sa mga hamong susubok s akanilang pagsasama at pagmamahalan. Gagabayan sila ng host na si Judy Ann, kasama ang ibang miyembro ng council, ang life coach na si Pia Acevedo, at ang Psychologist at marriage counsellor na si Dr. Julian Montano. Katambal naman ni Juday sa pagbibigay ng challenges siJason Gainza.

Ani Juday, asahan ng mga manonood na magbibigay siya ng mga payo sa couples na base sa kanilang personal na karanasan bilang isang asawa at ina. Limang taon nang kasal si Juday at may dalawa ng anak.

“Ang pinaka-challenge rito ay bigyan ng advise ang couples na pwede nilang isabuhay. Noong tinanggap ko itong show, hindi ko talaga alam kung ano ang pinasok ko, na-excite lang ako na original concept siya. Hindi ko alam na sa proseso parang magiging life coach pala ako. Ang sarap maging part sa journey ng isang couple na magpapakasal,” paliwanag ni Juday.

Samantala, itinanggi ni Juday na tumatanggi siya sa mga pelikulang iniaalok sa kanya. Aniya, nagkakataon lamang na nagkakaroon ng problema sa kanyang mga schedule kaya hindi natutuloy ang paggawa niya ng movie.

Sinabi pa ni Juday na siguro’y talagang hindi pa akmang gumawa siya ng movie sa ngayon dahil wala siyang maibigay na oras para makapag-shoot.

Ukol naman sa pagtatapat ng kanilang show ni Ryan Agoncillo, sinabi ng aktres na nag-usap na silang mag-asawa at tiniyak nilang never nang mangyayari ang nangyari noon na nagkatapat ang kani-kanilang show. ”Parang sinasadya na kung for the second time ay magkakatapat na naman ang show namin. Talagang pinag-usapan na namin na never na kaming magtatapat,”giit ni Juday sa presscon ng I Do sa The Oasis.

Abangan ang pagsisimula ng ‘journey to happy ever after’ kasana sina Juday, Jason, coach Pia, at Dr Julian sa I Do sa Agosto 30, Sabado sa ABS-CBN2.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …