Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakit walang aksiyong legal ang BOC vs Momarco?

00 Abot Sipat ArielBLIND item lamang ang isinulat kong “May kom-panyang nagbebenta ng toxic food sa samba-yanan?” pero kongkreto ang naging aksiyon ng binansagan kong X-Firm na kumukuha ng animal health at nutrition products sa isang import company na may Certificate of Feed Product Certification (CPR) mula sa Bureau of Animal Industry (BAI) na aangkat ng Auron food ingredients mula sa Abelgel Ltd. Sa Dilbeek, Belgium.

Ang masaklap, ang animal protein ingredients o Fish Meal Analogue (FMA) na ipinapasok ng import company ay hindi mula sa Belgium kundi mula sa China. Kahit noong Abril 2013 pa ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng poultry products mula sa China sanhi ng H7NP avian influenza outbreak sa mga manukan sa Shanghai at iba pang rehiyon doon ay tuloy-tuloy lang ang katiwalian ng import company na tutukuyin na natin ngayon—ang Momarco Import Company Inc. na may tanggapan sa Unit 4G A & M Bldg., Commonwealth Ave., Quezon City.

Tiyak na may kasabwat sa BAI ang Momarco na sinasabing pag-aari ng isang Dr. Florante Jonsay at siyempre, may taga-Bureau of Customs na sangkot kung paanong nakalalabas ng daungan ang animal protein ingredients mula sa China na posibleng pagmulan ng nakahahawang sakit na avian influenza o bird flu, foot and mouth disease (FMD), Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at marami pang iba.

May halo kasing UREA o carbamide ang FMA mula sa China na kung ilang taong ipinakonsumo ng X-Firm sa mga alagang manok, baboy, baka, isda at iba pang hayop na kinakain naman ng sambayanang Pilipino. Nalilikha ang urea sa pa-mamagitan ng ihi at ginagamit ito ng mga Chinese para iangat ang CP o crude protein ng kanilang mga produkto sa halimbawa’y kinakailangang blended na 70% mula sa 50%.

Sa madaling sabi, naalerto ang X-Firm gayundin ang iba pang kompanyang kumukuha ng imported FMA mula sa Momarco at sa pinakahu-ling ulat ay marami ang nagsauli ng produkto mulang China lalo ang mga kompanya sa Min-danao.

Ang nakapagtataka lamang, bakit hindi kumikilos ang opisyales ng BOC o walang aksiyong legal gayong malinaw na may smuggling violations ang Momarco? Simpleng-simple na walang maayos na CPR at walang import permit ang naturang kompanya kaya paano nailabas ng Ariba at Inza Customs Brokers ang ilegal na epektos mula sa daungan?

‘Eto pa ang matinding siste, dahil walang aksiyon ang isang opisyal ng BOC na nagpapangalandakan ng “no take policy” ay idedeklara na lamang ni Dr. Jonsay na bangkarote ang Momarco upang makalusot sa mga pananagutan sa BOC sa ahensiya at maging sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

May tsismis na nagtayo na ng bagong import company si Dr. Jonsay para makapagpatuloy sa kanyang tiwaling operasyon. Naghambog pang parerehistro lang niya sa ibang personalidad ang kanyang kompanya pero kahit ano ang gawin niya, masisipat at masisipat ang kanyang kabulastugan na nagpapahamak sa samba-yanang Pilipino. Tsk. Tsk. Tsk.

Ariel Dim Borlongan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …