Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco at Kim, kinilala ang galing sa 4th Eduk Circle Awards!

081914 coco kim award
00 SHOWBIZ ms mMULING umani ng parangal ang lead stars ng ng toprating teleseryeng Ikaw Lamang na sina Coco Martin at Kim Chiu. Matapos tanghaling Grand Slam Best Actor si Coco at Actress and Celebrity of the Year ng Yahoo OMG Celebrity Awards, muling binigyan ng parangal ang dalawa sa katatapos na 4th Eduk Circle Awards, isang prestihiyosong award-giving body na binubuo ng mga guro, professors, at mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong Pilipinas.

Si Coco ay itinanghal na Best Television Drama Actor of the Year samantalang si Kim ay itinanghal na Most Influential Actress in A Film. Nagwagi si Coco para sa Juan dela Cruz habang si Kim ay para sa Bride For Rent.

Sa isang online poll naman, ang 2nd Philippine Edition’s Icons of the Year, itinanghal na Male Showbiz Icon of the Year si Coco para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Samuel sa top rating teleseryeng Ikaw Lamang.

Ang sunod-sunod na parangal na inaani nina Coco, Kim at ng Ikaw Lamang ay isang patunay ng kanilang kahusayan bilang aktor at aktres sa tinaguriang master serye sa Philippine Television.

Napatili pa rin ng Ikaw Lamang ang posisyon bilang numero unong show sa Philippine television.

Congrats kina Coco at Kim at sa lahat ng bumubuo ng Ikaw Lamang at sa Dreamscape Entertainment.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …