Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Makabagong kuwento ng pag-ibig, mapapanood sa Somebody To Love

081914 somebody to love
00 SHOWBIZ ms mKITANG-KITA sa trailer ng Somebody To Love ang kakaibang texture at treatment sa principal photography na ginamitan ng maraming split screens para ipamalas ang iba’t ibang klase ng tauhan na magkakaiba ang pananaw sa pag-ibig at pagkakaroon ng minamahal. Ngunit, taliwas ang STL sa konspetong napapanood na romantic comedy films ngayon.

“Iba ito kasi I’m using a lot of split screen. ‘Yun talagang I want to divert sa template na ginagamit ng romantic comedies. Pinaglaruan ko talaga ang you can only do that to Regal, ‘di ba? They trust you sa estilong gagawin mo,” sambit ni Direk Jose Javier Reyes ukol sa pelikulang ipinamahala sa kanya ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde ng Regal Entertainment.

Aminado naman si Direk Joey na nahirapan siyang gawin ang movie lalo na sa editing.

“But that’s the challenge. It’s a risk. Gamble siya kung magugustuhan ng manonood ang ganitong estilo. Pero gusto ko ‘yung bago ang look. ‘Yung language ko brave. Na-X nga ang trailer naming dahil sa language lang naman,” paliwanag ni Direk Joey.

Kung ano iyong tinutukoy ni Direk Joey, panoorin na lamang natin ang STL sa August 20 na birthday offering ni Mother Lily sa publiko. Mapapanood dito sina Carla Abellana, Iza Calzado, Matteo Guidicelli, Marical Reyes, Albie Casino, Kiray Celis, at Jason Abalos.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …