LUMUTANG na ang pangalan ng isang mataas na opisyal ng PNP-Crame na kung tawagin ay alyas “BON JOVI” — ang itinuturong ‘kamay na mapagpala’ sa operasyon ng Jueteng nina KENNETH YUKO INTSIK at TONY BOLOK SANTOS sa South Metro Manila.
At dahil sa pagpapala ni alyas Bon Jovi ng PNP-Crame, sisiw ang P10 milyones na kobransa sa teng-we nina Kenneth Intsik at Bolok Santos.
Hindi nila pwedeng itago ‘yung P10 milyones na ‘yan kay alyas Bon Jovi dahil tila asong ulol na nakabantay at anomang oras ay mananakmal ang pulis ng task force matulis na si SPO-2-10 Bernardino.
At para hindi bumaba sa P10 milyon ang kobransa, tatlong beses ang BOLA daily sa mga barangay sa Muntinlupa, Taguig, Pateros, at Parañaque.
Ano sa palagay ninyo SILG Mar Roxas, nararamdaman ba ninyo ang ‘bukol’ sa ulo?!
Alam mo kaya ang dahilan SILG Mar Roxas kung bakit pinayagan mag-operate ang tatlong itlog sa lugar nina Taguig City Mayor Lanie Cayetano, Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, Pateros City Joey Medina at Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi?!
Nagkaroon kaya ng ‘understanding’ ang apat na Mayor sa tatlong itlog na sina Kenneth Intsik, Bolok Santos at SPO-2-10 Bernardino?
‘E how about the chiefs of police (CsOP) gaya nina
Sr. Supt. Arthur Felix Asis ng Taguig City; Sr. Supt. Allan Nobleza, ng Muntinlupa City; Sr. Supt. Ariel Andrade ng Parañaque City; at Sr. Supt. Nelson Bondoc?
Ayos na ba kayo diyan?
SPD director Chief Supt. Jose Erwin Villarocrte, may kinalaman ka rin ba sa jueteng operations nina Kenneth Intsik, Bolok Santos at SPO-2-10 Bernardino?
Hindi ka ba inabot ng ‘BULONG’ ni Bernardino bago kinamada ni Kenneth Intsik ang jueteng operations? Hindi mo ba alam na si Bernardino ang umayos ng P12-milyones goodwill money?
Kaya tuloy ang ligaya ng mga enkargado sa mga barangay ng apat na siyudad — sa Muntinlupa City sina alyas Josie, Tisay, Lando, Emy, Samboy at Boy ‘arugago.’
Sa Parañaque City — sina Joy, Boyel, Edgar at Junjun. Sa Taguig City —— sina Nonong, Boyet ‘Orangutang’ Philip, Joey, at Bongbong. Sa Pateros City — sina alyas Jun ‘Ayungin,’ Popeye, Romy at Junjun.
O ‘yan na, ang mga tip natin GEN. VILLACORTE, Sir. Kung nabubukulan ka, umpisahan mo nang hatawin sila!
‘O ‘timbrado’ na sila sa inyo Sir?
Aabangan namin ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com