Monday , December 23 2024

Cha-Cha na naman!?

00 Bulabugin

NAKALALASING talaga ang kapangyarihan, lalo na doon sa mga sidekicks at alalay.

Kaya heto na naman, karanasan na nating mga Pinoy na tuwing matatapos ang termino ng nakaupong Presidente ‘e bigla na naman umuugong ang CHARTER CHANGE o CHA-CHA.

Sa Charter Change kasi, pwedeng baguhin doon ang termino ng Pangulo ng bansa.

Ini-locked na kasi ng  Nanay ni PNoy — ang namayapang dating Pangulong Cory Aquino — ang termino ng mga Pangulo sa anim na taon para huwag na raw maulit ang masamang karanasan ng bansa sa ilalim ng 20-taon batas militar.

Pero pagkatapos ng termino ni Madam Cory, at sumunod na naging presidente ang dating hepe ng Philippine Constabulary (PC) na nasi Fidel V. Ramos, naging maugong na ang CHA-CHA.

Hindi man natapos ni Erap Estrada ang kanyang termino bilang Pangulo dahil convicted plunderer at pinatalsik siya ng sambayanan pero naging maugong din sa panahon niya ang CHA-CHA.

At paulit-ulit na nangyayari ang pagpapaugong ng CHA-CHA tuwing nalalapit ang pagtatapos ng termino ng mga PANGULO.

Hanggang ngayong panahon ni PNoy.

Testing the water daw, sabi ng mga bright boys ni PNoy…pinakikiramdaman ang pulso ng taong bayan.

Pero, ang suspetsa nga natin, mukhang ‘yung mga sidekicks at alalay sa Palasyo ang nagpapaugong ng mga ganitong ideya.

Sino nga naman ang hindi mahahaling sa kapangyarihan?!

Pero hindi ba kayo napapagod?

Aba ‘e mapagod naman kayo, lalo na kung wala naman kayong nagagawang maganda para sa bayan.

Pagpahingahin n’yo naman si PNoy nang maasikaso naman niya ang kanyang personal lovelife … ay sus … lalong napanot na nga siya ‘di ba?

Tigilan n’yo na ‘yang CHA-CHA n’yong panot … ang gusto lang namin CHA-CHA ‘e ‘yung CHA-CHANG kyut ni Ryzza Mae …

Boom panes!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *