Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enchong, gusto na raw magka-anak, pero ‘di pa handang mag-asawa?!

00 SHOWBIZ ms mIBANG klase talagang mag-interbyu si Antony Taberna. Paano’y napapaamin niya ang ilang artista sa mga bagay na hindi pa alam ng publiko. Tulad ngayong Huwebes, Agosto 7 sa kanyang show na Tapatan ni Tunying, napaamin niya si Enchong Dee ukol sa gusto na nitong magka-anak.

Ang pag-amin ay kasunod ng pagbabahagi ni Enchong sa publiko na mayroon na siyang non-showbiz girlfriend kaya naman nasabi ng actor na sumagi sa isip niya ang magkaroon ng anak.

Pero bago mag-react ang marami,  nilinaw ng 25-anyos na aktor na hindi pa siya handa para sa buhay may asawa.

“’Yong pag-aasawa, hindi ko pa iniisip. ‘Yong anak ang iniisip ko. Isang umaga, gumising ako at sabi ko, ‘Parang kailangan ko nang magkaroon ng anak,’” sabi niya.

072114 enchong dee
Nang tanungin kung papayag kaya ang nobya niya sa ganitong sitwasyon, pabirong sagot ni Enchong, ”Eh kung gusto niya, eh ‘di game!”

Ibinahagi rin ni Enchong na gusto niyang magpakasal kapag tumuntong na siya sa edad na 32.

Bongga ang kanilang usapan hindi ba?! Ilan lamang iyan sa mga ibinahagi ni Enchong kay Ka Tunying. Kaya kung gusto n’yo pang malaman ang iba pang sikretong ibinahagi ni Enchong, huwag palampasin ang Tapatan ni Tunying ngayong Huwebes (Agosto 7), 4:00 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

mari

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …