NATAPOS na ang deadline ng pag-apply ng accreditation permit para sa 14,000 importers at customs broker na naghhanapbuhay sa customs.
Ang permit na ito ay para makapag-import nang walang problema sa Customs. Ang deadline ay natapos na noong July 3, 2014 — no extension. Ito ay isang major setback sa mga importer. Hindi naman sa ayaw nila ng requirements na inilabas ng BIR at B0C.
Kung iisipin na saksakan nang tindi ang red tape, kahit pa sabihing may batas na ipinatu-tupad ng Civil Service. Still, usad pagong pa rin ang mga papeles. Lalo pa raw sa SEC na pinagkukuhaan ng Certificate of Good Standing.
Inaabot daw ng maraming linggo bago makapag bigay ang SEC ng certificate.
Kung wala nito, walang accreditation permit na ibibigay ang SEC. Hindi naman pwedeng madaliin ng BIR or B0C ang SEC. Saksakan din nang dami ang mga kumuha ng nasabing certificate sa SEC. Ang utos ni Sevilla parang utos ng hari hindi mababali.
Well, tingnan natin kung ano ang mgiging move ng mg importer at ng brokers nila.
Ang remedyo ay sa korte. Ang no extension policy ng inilabas ni Sevilla regardless kung dumami ang hindi naisyuhan ng accreditation ng opis ng customs. Kulang din sila sa experience. Ang deadline na ito ay nagiging sanhi ng corruption.
Gustong uma-bot ng mga importer sa deadline ng BoC, pero kulang pa ang kanilng mga papeles. Buti kung pumayag ng other documents to follow.
Ang isang maganda sa bagong reuirement na inilbas ng customs at BIR na aabot sa 24 sa kabuuan, iyong mga hao-shiao na importer at maging broker mawawala. Pero itong mga hao-shiao na importer matagal na panahon nang nag-o-operate at hindi nahuhuli.
Ano kayang bags of trick ang itinatago nila para makapag-import nang ilegal? Kontsabhin ang mga taga-opisina na in-charge sa approval ng accreditation sa customs? Hindi imposible ito kahit pa anong higpit ng mga regulation.
There are 1001 ways to skin a cat.
Arnold Atadero