Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, lumalim ang acting dahil sa Ikaw Lamang

00 SHOWBIZ ms mNAG-UUMAPAW daw ang pasasalamat ni Julia Montes sa laki ng naitulong ng Ikaw Lamang sa kanya bilang isang aktres. Aniya, dahil sa magandang karakter niya sa top-rating master teleserye ng ABS-CBN ay mas lumalim ang kanyang pagganap.

Oo naman. Marami ang nakakapansin na nakikipagsabayan na sa pag-arte si Julia kina Coco Martin at Jake Cuenca. Kumbaga, hindi sya kayang lamunin ng magagaling na aktor na ito dahik talaga namang may ibubuga rin siya. Kahit nga kay Cherrie Pie Picache eh kayang-kaya n’ya ring makipagsabayan.

“Bago pa man magsimula ‘yung ‘Ikaw Lamang’ sobrang kinakabahan ako kasi iniisip ko kung kaya ko bang makipagsabayan sa mga bigating artistang kasama sa cast. Pero nawala agad ang takot ko dahil lahat ng co-stars ko tinulungan akong mas mabigyang hustisya ang role ko bilang si Mona. Masasabi kong mas nahasa ako bilang isang aktres dahil sa kanila at sa show,” pahayag ni Julia.

072714 coco martin  julia montes
Samantala, sa pagpanaw ni Mona ay tiyak na lalong titindi ang tensyon kina Samuel (Coco) at Franco (Jake) sa Ikaw Lamang. Ano ang gagawin ni Samuel para makuha ang nararapat na hustisya para sa pagkamatay ng kanyang asawa? Ipagpapatuloy pa rin ba niya ang pakikipaglaban kina Franco at Maximo (Ronaldo Valdez) ngayong nadadamay na ang kanyang mga mahal sa buhay? Paano babaguhin ng pagkamatay ni Mona ang buhay nina Samuel, Franco, at Isabelle (Kim Chiu)?

Ang Ikaw Lamang ay ang master teleserye ng ABS-CBN at isa sa mga obra ng Dreamscape Entertainment Television.

Huwag palampasin ang mas painit nang painit na eksena sa master teleseryeng Ikaw Lamang, gabi-gabi.

mari

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …