Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, ayaw nang magpa-sexy; wala na ring gana sa mga lalaki!

00 SHOWBIZ ms m“GOD is good,” ito ang tinuran ni Sunshine Cruz nang ipakilala siya ng White Glo Crave Away Toothpaste bilang celebrity endorser, kahapon sa Victorino’s Restaurant.

Paano’y simula nang nagbalik-showbiz siya, sunod-sunod ang mga proyekto niya mula sa teleserye—Dugong Buhay, Galema, at Pure Love at ang more or less five endorsements.

“Malaki po talaga ang pasasalamat ko na sa 13 taong pagkawala ko sa showbiz marami pa rin ang nagtitiwala. Kahit single mother ako siguro nakikita nila kung gaano ako mag-alaga sa mga anak ko at kung gaano ko sila kamahal kaya siguro pinagkakatiwalaan din nila ako,” sambit ni Sunshine na seksing-seksi pa rin kahit may mga anak na. Ito’y dahil na rin sa tulong ng pinakabagong produktong ineendoso niya, ang White Glo Crave Away Toothpaste na inaalis ang gana sa pagkain.072514 sunshine cruz

“When I first heard of Crave Away, I was really thrilled. It’s the first time I have heard of a toothpaste that can do that. It’s something new and unique and the idea clicked with me right away,” paliwanag ni Shine.

“We all know how hard it is to keep fit. And sa culture nating mga Filipino, eating is at the center of everything—when we get together with our loved ones, meet up with friends, etc. Kaya ang hirap mag-diet talaga. When I tried Crave Away, it really helps suppress my appetite. And the bonus part is that it doesn’t just clean your teeth as you brush, it also whitens it.”

Ang Crave Away ay isang appetite suppressing toothpaste kaya makatutulong ito para mawala ang gana natin sa pagkain. Ito ay gawa mula sa homeopathic herbal formula na siyang nagko-control ng gana kaya naman hindi ka na matatakam pang kumain nang kumain.

Ang White Glo Crave Away Appetite Control Toothpaste ay ipinamamahagi ng Brady Pharma at mabibili sa Watsons. Inirerekomenda ito para sa mga nagnanais magkaroon ng seksing pangangatawan katulad ni Sunshine.

Sa kabilang banda, iginiit naman ni Sunshine na nawalan na rin siya ng gana sa mga lalaki. “Wala na po talaga akong gana sa mga lalaki. Sa mga anak at trabaho ko na lang ibinubuhos ang oras ko.”

Ani Sunshine, wala muna siyang panahon sa love.

Ukol naman sa annulment nila ni Cesar Montano na noong bago mag-Holyweek pa pala nai-file, sinabi ng aktres na wala pa silang schedule ng hearing. Pero nakahanda naman na raw siya sakaling magkaroon na sila ng paghaharap ni Cesar.

Sinabi ni Sunshine na ang gusto niya sa ngayon ay magkaroon sila ng komunikasyon ni Cesar para sa kanilang tatlong anak. “Hindi kasi kami nag-uusap at ang pag-uusap naman namin ay para sa ikabubuti ng aming mga anak. Tanggap na ng mga anak namin ang nangyari sa amin at okey naman kami.

“At ‘yung past love wala na po ‘yun, in God’s time I’m praying and ganoon din naman ang aming mga anak na dumating din ‘yung pure love for me.”

Bagamat seksing-seksi ngayon si Sunshine, iginiit nitong hindi na siya interesadong magpa-sexy, mapa-pelikula man o mag-pose sa magazine. “May offer nga sa akin para sa isang anniversary special ng isang magazine, and sinabi ko sa mga anak ko and they say no. I consider kung ano ang sasabihin ng mga anak ko. Eversince, I always consider them sa mga ginagawa ko.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …