Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Top 4 ng The Voice Kids, excited na sa mapapanalunang bahay sa Camella

00 SHOWBIZ ms mMAKABAGBAG-damdamin ang naganap na pagpili ng Final Four sa The Voice Kids noong Linggo. Tunay namang napakahirap pumili sa anim na natirang sina Edray, Tonton, Darlene, Lyca, Darren, at Juan Karlos.

Lahat kasi ng anim na batang ito’y magagaling kumanta at walang itulak kabigin sa kanila. Pero, kailangan talagang mamili ng Final Four para mapili na sa Sabado (July 26, 6:45 p.m.) at Linggo (July 27, 6:15 p.m.) ang kauna-unahang tatanghaling The Voice Kids.

At ang napiling Final Four ay kinabibilangan nina Darlene mula sa camp ni Lea Salonga; Lyca at Darren mula sa camp ni Sarah Geronimo, at Juan Karlos mula sa camp ni Bamboo.

072414 the VOICE KIDS
Ang tatanghaling The Voice kids grand champion ay mag-uuwi ng P1-M, one year recording contract mula sa MCA Universal, home appliance showcase, musical instrument showcase, P1-M worth ng trust fund, at house and lot.

Sa malalaki at magagandang premyong ito, nakatutuwa na excited ang mga batang finalist sa mapapanalunang bahay mula sa Camella Homes ng VistaLand chaired by former Sen. Manny Villar.

Mula sa social media site ng The Voice Kids nakita namin ang mga larawan ng anim na finalists habang excited na naglalaro sa Camella Tierra Nevada. Nagbigay din sila ng saloobin sakaling sila ang magwagi ng bahay sa Camella. Bata pa man sila’y, malaking bagay na ang magkaroon sila ng sariling tahanan. At ito ang kani-kanilang nasabi:

Darlene:-‘Pag nanalo ako ng bahay sa Camella, palalagyan ko ang kwarto ko ng Hello Kitty. Kwarto ni ate, palalagyan ko ng wallpaper ng crush niya.

Lyca: ‘Pag nanalo ako ng bahay sa Camella, roon po ako magbi-birthday at magse-celebrate sa loob ng bahay.

Darren: ‘Pag nanalo ako ng bahay sa Camella, i-set-up ko ‘yung room ko agad tapos invite ko mga friend ko para mag-swimming kami.

Juan Karlos: ‘Pag nanalo ako ng bahay sa Camella, gagawin ko ’yung kwarto kong color white. Favorite ko kasi white.

O ‘di ba naman ngayon pa lang ay excited na sila sa mapapanalunang bahay. Sino man ang magwagi sa apat na ito’y deserving.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …