Tuesday , May 6 2025

Arjo, pinasinungalingan ang kumakalat na balitang beki raw siya

00 SHOWBIZ ms mHANGA ako sa walang gatol na pagsagot o off the record ni Arjo Atayde sa mga tanong na ibinabato sa kanya ng entertainment press kahit sabihin pang karamihan sa mga tanong ay below the belt o medyo personal na. Paano’y walang inhibition ang batang ito, kaya naman sige lang siya sa pagsagot.

Nakatitiyak kaming malayo ang mararating ng batang ito dahil marunong siyang makisama at hindi umaakyat sa ulo ang kasikatan. Alam din niya kung paano sasagutin ang katanungan na hindi showbiz ang sagot.

Tulad na lamang nang direktang tanungin namin kung bakla ba siya? Naitanong namin ito sa binata dahil may mga lumalabas na balita na beki ang binatang ito ni Sylvia Sanchez. Diretso rin niya kaming sinagot ng, “hindi po ako bakla!” at ngumiti lamang sa aming katanungan.

Ibinuking ding hindi totoong matutuwa ang kanyang ina sakaling isang beki nga siya (nang makakuwentuhan kasi namin si Ibyang, nasabi nitong okey lang sa kanya sakaling magka-anak siya ng beki) at hindi makapaniwala na sinabi rin ng kanyang ina na pag-aaralin siya sa Paris sakaling beki nga siya.

070914 Arjo Atayde
Sa tagal na naming pagkakakilala kay Arjo, malayo naman talagang paghinalaan naming siyang beki. Siguro’y dahil sa kanyang physical features na maputi kaya may mga nagsasabi na bading siya.

Anyway, natanong din si Arjo kung ano ang naging reaksiyon niya nang bastedin ni Alex Gonzaga sa harapan niya at on camera si Ryan Bang nang mag-guest sila ng dalaga sa It’s Showtime last Saturday para sa promo ng seryeng Pure Love na halaw sa hit 2011 Korean TV series na 49 Days at napapanood na simula kahapon, July 7.

Ani Arjo, hindi siya natuwa, at “Whatever relationship they have, whatever friendship they have with each other, that’s none of my business.

“And fun-fun naman kasi part din naman ng script ‘yung nangyari na mag-uusap sila. Pero ‘yung basted part, hindi na (part ng script), sa kanila na ‘yun.

“It’s none of my business and as much as possible, I’m getting to know her and wala akong karapatan na makialam pa sa kanila,” giit pa ni Arjo.

What if kung sa kanya sabihin ni Alex na friends na lang sila, ano ang magiging reaction niya?

“Mahe-hurt? Iiyak? Hindi, joke. Mahe-hurt ako, of course. But as I’ve said nga, again, we have to respect whatever her decision is,” anang aktor.

Ang local adaptation ng Pure Love ay sesentro sa kahalagahan ng tunay na pagmamahal at ang katatagan ng relasyon ng pamilyang Filipino. Ibabahagi nito ang kuwento ni Diane (Alex), isang masayahin, positibo, at laki sa yamang dalaga na mistulang perpekto na ang buhay; at Ysabel (Yen Santos), isang ordinaryong manggagawa na nawalan na nang ganang mabuhay mula nang mamatay ang kanyang kasintahan.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Piolo Pascual Bam Aquino Iza Calzado Bea Binene

‘Papa Pi’ inendoso si Bam Aquino, sumama sa motorcade sa MM

NADAGDAG si Piolo “Papa Pi” Pascual sa mga artistang nag-eendoso sa kandidatura ni dating senador at independent …

Kiko Estrada Totoy Bato

Kiko Estrada masusukat galing sa pagganap bilang Totoy Bato

I-FLEXni Jun Nardo MAS matinding hamon sa kanyang career ang iniatang kay Kiko Estrada dahil gagampanan niya …

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Arnold Vegafria David Licauco

Manager ni David Licauco may calling magsilbi sa mga taga-Olongapo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAY na talent manager si Arnold Vegafria pero alam niyang hindi lamang sa …

Zsa Zsa Padilla Through The Years

Zsa Zsa napahanga sa kanyang robotic surgery

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TWO years ago pa pala ang 40th anniversary ng Divine Diva …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *