Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TV5, may dalang ‘Happy Change’ sa Face The People ngayong Hulyo

00 SHOWBIZ ms mPINALALAKAS at pinatitindi ng TV5 Kapatid Network ang kanilang morning time slot kaya naman simula sa Lunes, Hulyo 7, matutunghayan ang back-to-back Season 3 premiere ng Face the People (10:15- 11:15 a.m.), kasama si Edu Manzano na bagong makakasama nina Gelli de Belen at Tintin Bersola at ang Let’s Ask Pilipinas (11:15- 12:00 noon) ni Ogie Alcasid.

Bale bagong dagdag na host sa Face The People si Edu na aminadong nasa-shock sa mga pangyayari o pinag-uusapang problema sa show.

Mas magiging malalim at balanse na rin daw ang pagpapayo at opinyon sa pagpasok ni Edu sa programa. Sa bagong segment nitong Sabi Ni Edu, Sabi Ni Gelli, si Edu na ang magbibigay ng machong pagpapayo at kakatawan sa mga opinyon ng kalalakihan sa mga isyu sa Face The People samantalang si Gelli pa rin ang pinagkakatiwalaang ‘ateng’ ng taumbayan na ipaglalaban kung ano ang patas at tama base na rin sa kanyang mga karanasan bilang ina, kapatid, at babae.

070314 gelli kristine edu

Parte rin ng ng Face The People si Tintin para sa kanyang Happy Change—isang social responsibility segment ng programa na tutulong para magkaroong ng positibong pagbabago sa buhay ng kanilang mga case subjects. Kada linggo, ibabalita ni Mamu Tin kung paano natulungan ng programang magbago ang buhay ng kanilang mga case subject. Dadalhin ni Tintin ang Face The People sa masa sa pamamagitan ng Sey Ng Taumbayan—isang segment na pupulsuhan ni Tintin ang mga opinyon ng mga pangkaraniwang tao sa mga isyung tinatalakay ng Face The People.

At sa Lunes (Hulyo 7), gugulatin agad sina Gelli, Edu, at Tintin ni Meagan Aguilar ng mag-walk-out. Tatalakayin ng programa ang ‘di pagkakaunawaan ni Meagan at ng kanyang ama, ang ‘Hari ng Pinoy Folk Songs’ na si Ka Freddie Aguilar. ?

Kaya tutok na sa Lunes (July 7) sa Face The People, 10:15 a.m. sa TV5!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …