Monday , November 25 2024

Moderno, malinis, at higit sa lahat libreng ospital ng Parañaque pinasinayaan na

00 Bulabugin JSY

MULA sa vision statement na, “The City of Parañaque is a model for academic excellence, public health and safety, environmental preservation and good governance, providing equal opportunities for all in a peaceful and business-friendly atmosphere through a G0d-centered leadership,” nabuo at isinilang ang iba’t ibang proyekto at programa sa isang lungsod na dating kilala lamang bilang isang malayong bayan sa baybaying-dagat na ang pangunahing pinagkikitaan ay asinan at ilang palayan.

Ilang dekada rin na ang Parañaque City ay umasa lamang sa mga karatig-bayan sa usapin ng kalusugan.

Ang pagpapa-ospital para sa mga maralitang Parañaqueño ay isang ‘luho’ at kung pangangailangan man ay kung ‘terminal’ na ang sakit ng pasyente.

Kaya naman nang pasinayaan ang Ospital ng Parañaque sa Barangay La Huerta nitong May 4 (2014) ay marami ang natuwa.

Ayon kay Mayor EDWIN OLIVAREZ, ito ang katuparan ng matagal na nilang pangarap na magkaroon ng public hospital na abot-kaya, de-kalidad ang serbisyo at higit sa lahat moderno at may dedikasyon ang mga naglilingkod.

Sa nasabing pasinaya ay naging panauhin pandangal si Health Secretary Enrique Ona kasama si Undersecretary Teodoro Herbosa.

Bumilib si Secretary Ona sa pagkakagawa ng P200-milyon estruktura ng ospital, na aniya’y wala halos pagkakaiba sa mga sikat at mahuhusay na private hospitals.

Bilang pagkilala sa pagsisikap ng lungsod, sinabi ni Ona na maglalaan ang departamento ng P20 milyon mula sa budget para sa taon 2015 para makatulong sa higit pang modernisasyon ng nasabing ospital.

Bukod pa umano ‘yan sa P33 milyon para naman sa health centers.

Upang matiyak na epektibo sa kalusugan ng mamamayan ang bagong ospital, 300 employees and medical personnel ang itinalaga ng alkalde na magseserbisyo nang tama at may kalidad sa pasyente.

Sa pakikihuntahan natin kay Mayor Olivarez, sinabi niya na ang 6-storey hospital ay pinagtulungan nilang maisakatuparan ng kapatid na si 1st District Rep. Eric Olivarez kasama ang buong Konseho sa pangunguna ni Vice Mayor Rico Roilo.

Ayon naman kay Dr. Ephraim Neal Orteza, direktor ng Ospital ng Parañaque, sa pagbubukas ng bagong ospital, nadagdagan ng 120-bed ang kapasidad ng lumang ospital na nasa 39-bed capacity lamang.

Kaya kung dati ay siksikan ang nasabing ospital ngayon ay mas magiging maginhawa na ang mga pasyenteng magpapa-confine roon.

Ibig sabihin, hindi lang nagtayo ng bagong ospital si Mayor Olivarez kundi ipinaayos din niya ang lumang ospital upang mapakinabangan pa rin ng mamamayan.

Maaliwalas, malinis at makabago ang ospital pero naniniwala si Olivarez na kailangan pang kompletohin ang mga gamit at medical equipment sa laboratoryo, mga gamot, kama at iba pang kagamitan sa lalong madaling panahon.

Sa pakikipagtulungan sa iba pang opisyal ng pamahalaan, naniniwala ang alakalde na maitataas nila sa tertiary level ang ospital ng Parañaque na may kakayahang gumamot ng mga grabeng karamdaman.

“Sa panahon ngayon na napakahirap magkasakit, kailangan natin ang isang ospital na mangangalaga sa atin sa panahon ng kagipitan.

“Nangako akong hindi natin pababayaan ang ating mga kababayan, at ang mabilis na pagtatayo at pagbubukas ng Ospital ng Parañaque ay isang katuparan ng aking pangako at ng matagal nang pangarap ng mga Parañaqueño,” pagwawakas ni Mayor Olivarez.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *